Pagtigil at Hindi Paglulunsad ng mga Taktikal na Opensiba ng Bagong Hukbong Bayan sa mga Lugar na Apektado ng Pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon

National Democratic Front of the Philippines
Bicol Region

Pahayag sa Media
1 Disyembre 2010

Pagtigil at Hindi Paglulunsad ng mga Taktikal na Opensiba ng Bagong Hukbong Bayan sa mga Lugar na Apektado ng Pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon

Idineklara ng Celso Minguez Command ng Bagong Hukbong Bayan – Sorsogon ang pansamantalang pagtigil at hindi paglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa AFP-PNP-CAFGU sa mga lugar na saklaw ng 10-kilometrong radyus mula sa Bulkang Bulusan simula noong Nobyembre 22. Magkakabisa ito hanggang sa tuluyan nang alisin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alerto ng panganib ng bulkan.

Gayunpaman, nananatiling mataas ang pagmamatyag at pag-iingat ng lahat ng yunit ng BHB sa Sorsogon at nakahandang ipagtanggol ang sarili laban sa patraydor na pag-atake ng mga tropa ng AFP-PNP-CAFGU. Bahagi ito ng patakaran ng aktibong pagdidepensa ng mga rebolusyonaryong pwersa lalupa’t napatunayan na sa maraming pagkakataon sa nakaraan na hindi iginagalang ng AFP/PNP kahit ang sarili nilang deklarasyon ng “suspension of offensive military/police operations” (SOMO/SOPO) at patuloy na nagsasagawa ng mga operasyong militar sa tabing ng “humanitarian mission” at “disaster operation”.

Ayon sa Celso Minguez Command binibigyan ng pangunahing halaga ng deklarasyon ang pagsisikap ng iba’t ibang sektor at organisasyon ng mamamayan na pangalagaan ang buhay, kabuhayan, at mga ari-arian ng mamamayang apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan. Umaabot na sa daan-daang mga pamilya ang inilikas sa mga evacuation center dahil sa panganib ng pagragasa ng putik at baha, at marami pang iba ang tuwiran at di-tuwirang apektado ng pagbagsak ng makapal na abo sa kanilang mga pananim, fishpond, bahay at iba pa.

Kaugnay nito nagsasagawa na ng pagkilos ang iba’t ibang rebolusyonaryong organisasyon ng mamamayan at ang Bagong Hukbong Bayan sa Sorsogon upang tumulong sa paglilikas at iba pang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan. Nagtutulungan ang hukbong bayan at ang mga samahang masa, iba’t ibang komite ng mamamayan, mga grupo at komite sa pag-oorganisa, at maging ang lokal na milisyang bayan sa paghahandang ilikas ang mga taumbaryo sakaling magtuluy-tuloy at higit na maging malakas at mapinsala ang pagputok ng bulkan.

Nagsasagawa na rin ng mga klinikang bayan ang mga medik ng BHB katulong ang iba’t ibang komiteng pangkalusugan ng mga samahang masa sa saklaw ng teritoryo ng Demokratikong Gubyernong Bayan. Kinabibilangan ito ng libreng medical check-up, panggagamot at libreng pamamahagi ng mga gamot, pagbunot ng ngipin, pagtiyak ng kalinisan ng inuming tubig, at iba pa.

Hinihikayat ng NDF-Bicol ang iba’t ibang sektor, grupo, at organisasyong makatao sa loob at labas ng bansa na mangalap ng anumang kakayaning tulong para sa mamamayang apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan tulad ng mga gamot, pagkain at inuming tubig, damit, kagamitan sa pagtulog at iba pa. Maaari nila itong ipadala sa pamamagitan ng iba’t ibang organisasyon ng mamamayan sa Sorsogon na direktang tumutulong sa mga biktima o kaya’y makipag-ugnayan sa mga yunit ng BHB at/o mga alyadong organisasyon ng National Democratic Front sa rehiyong Bicol.

Gregorio “Ka Greg” Bañares
Tagapagsalita ng NDF-Bicol

email:    greg_banares@yahoo.com/
gb_ndfbicol@yahoo.com

websites: http://www.ndfbicol.wordpress.com
http://www.twitter.com/ndfbicol

facebook account: greg banares

Maj. Cabunoc ng 9th IDPA Nagsisinungaling Upang Pagtakpan ang Isinagawang Atakeng Militar sa Sorsogon

Oktubre 20, 2010
SMS Pahayag

Naglulubid ng kasinungalingan ang tagapagsalita ng 9th IDPA upang pagtakpan ang pinakahuling kaso ng paglabag sa internasyunal na batas ng digma nang madamay ang isang 10 taong gulang na bata sa pag-atake ng 49th IB sa Sta. Lourdez, Barcelona, Sorsogon kniang alas-6:30 ng umaga, Oktubre 20.

Inuulit-ulit lamang ni Maj. Cabunoc ang luma at gasgas na linyang tinatakot umano ng NPA ang mamamayan sa lugar upang bumoto sa isang partikular na kandidato. Lahat ng ito ay bahagi ng maruming psy-war at paninira ng 9th IDPA sa rebolusyunaryong kilusan upang gawing sangkalan sa pag-atake sa mamamayan.

Nasugatan sa paa si Emmanual Enano Jr., 10 taong gulang at nalagay sa panganib ang buhay ng maraming sibilyan sa bahay na inatake ng militar. Namatay din si Eleuterio “Ka Jun” Mangampo sa pag-atakeng ginawa ng militar at nakaligtas ang isa pang pulang mandirigma.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Pahayag sa Aksyong Militar ng NPA sa Bikol para sa Oktubre 2010

National Democratic Front of the Philippines
Bicol Region

Pahayag sa Media
18 Oktubre 2010

Berdugong 9th Infantry Division ng Philippine Army Pinarusahan ng BHB

Naglunsad ng koordinado at sunud-sunod na mga taktikal na opensiba ang Bagong Hukbong Bayan sa rehiyong Bikol mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 17 upang labanan at biguin ang pagpapatuloy ng malupit na Oplan Bantay Laya sa rehiyong Bikol.

Umabot ng 21 aksyong militar ang inilunsad ng BHB na kinabibilangan ng 13 operasyong haras, tatlong pagpapasabog, apat na pamamarusa, at isang ambus sa mga probinsya ng Albay, Sorsogon, at Masbate. Ito ang sagot ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon sa pagpapaigting ng 9th IDPA ng engrandeng saywar at marahas na armadong pagsupil sa paglaban ng mamamayan sang-ayon sa doktrina ng US Counter-Insurgency Guide na sinusunod ngayon ng rehimeng US-Aquino.

Tuluy-tuloy ang mababangis na special operations team sa mga sonang gerilya (tinatawag na SOT-Red Area) at sa mga sentrong urban ng rehiyon (tinatawag na SOT-White Area) upang wasakin ang demokratiko at rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan laban sa nakaambang malalaking dayuhang pagmimina, geothermal exploration, proyektong international airport sa Albay, dambuhalang dam sa Camarines Sur, mga proyektong eko-turismo, at iba pang proyektong may layuning kontra-insurhensya sa ilalim ng imperyalistang UN Millenium Development Goals (MDG).

Walang puknat at todo-todong paninira ang ipinakakalat ng 9th IDPA laban sa rebolusyonaryong kilusan tulad ng gawa-gawa at pinalobong bilang ng umano’y “biktima ng extra-judicial killing” ng BHB, pagkakasangkot umano ng BHB sa panghoholdap, pag-kidnap, at iba pang kriminal na aktibidad, maramihang pagsuko, mass graves at iba pa.

Ang mga taktikal na opensiba ng BHB sa rehiyon ay bilang parusa rin sa karumal-dumal na mga krimen ng 9th IDPA sa mamamayan tulad ng pagmasaker sa tatlong miyembro ng pamilyang Lotino sa Bgy. Nabas-an, Daraga, Albay nitong Oktubre 11; pagmasaker ng apat na sibilyan sa Mobo, Masbate noong Setyembre 7; pagpaslang sa nahuling mga kadre ng BHB tulad ni Elmer “Ka Fredo/Gomer” Ocila noong Setyembre 22 sa Goa, Camarines Sur at Edgardo “Ka Ada” Lorilla noong Setyembre 13 sa Bula, Camarines Sur; at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan.

Albay

Limang magkakasunod na pag-atake ang inilunsad ng mga pulang mandirigma sa ilalim ng Santos Binamera Command ng BHB laban sa berdugong special operations team (SOT) ng 2nd IBPA na patuloy sa pananakot, panghaharas at pamamaslang ng mga sibilyan sa ikalawa at ikatlong distrito ng Albay.

Noong Oktubre 10 bandang alas-8 ng gabi, hinaras ng isang tim ng BHB ang temporary patrol base ng special operations team (SOT) ng 2nd IBPA sa Bgy. Nagas, Oas, Albay. Kasunod nito, pinaputukan din ang mga TPB ng 2nd IBPA sa Bgy. Cabraran Pequeño, Camalig (alas-8:50 ng gabi); Bgy. Taplacon, Camalig (alas-9 ng gabi); at TPB ng 2nd IBPA sa Bgy. San Ramon, Daraga bago sumapit ang alas-10 ng gabi.

Ilang oras pagkatapos nito, pinaputukan naman ng BHB ang TPB ng 2nd IBPA sa Bgy. Oma-oma, Ligao City bandang ala-una ng madaling araw ng Oktubre 11.

Hindi matiyak ang bilang ng kaswalti sa militar dahil itinatago ito at hindi inaamin sa publiko ng kanilang mga upisyal.

Sorsogon

Apat na pag-atake, dalawang pagpapasabog at tatlong pamamarusa ang isinagawa ng mga pulang mandirigma sa ilalim ng Celso Minguez Command ng BHB laban sa malupit na special operations team (SOT) ng 49th IBPA at mga CAFGU at sundalo ng 22nd IBPA.

Noong Oktubre 9, alas-10:30 ng gabi, hinaras ng isang tim ng BHB ang mga sundalo at CAFGU ng 22nd IBPA na nagbabantay ng Globe Cellsite sa Bgy. Banwang Daan, Matnog. Nasugatan at dinala sa ospital ang dalawang sundalo sa limang minutong palitan ng putok.

Magkakasunod ding hinaras ng BHB ang malupit na SOT ng 49th IBPA noong Oktubre 11 ng umaga. Bandang alas-5:30 ng umaga nang paputukan ng BHB ang TPB ng SOT-49th IBPA sa Bgy. Marinas, Sorsogon City. Kasunod nito ay pinaputukan din ng BHB ang TPB sa Bgy. Cabigaan, Gubat (alas-6:30 ng umaga); at ang TPB sa Bgy. Sangat, Gubat bandang alas-8 ng umaga.

Oktubre 11, alas-8 ng umaga nang pinasabugan ng command detonated explosive ng isang tim sa demolisyon ng BHB ang isang military jeep na puno ng mga sundalo ng 49th IBPA sa Bgy. Buenavista, Irosin. Hindi napuruhan ang sasakyan ngunit gumewang-gewang ito sa kalsada at tinatayang may pinsala sa mga sundalo bunga ng epekto ng malakas na pagsabog.

Pagsapit ng alas-12:10 ng tanghali, pinasabugan ng isa pang tim sa demolisyon ng BHB ang isa pang trak na puno ng mga sundalo ng 49th IBPA sa Sityo Cagdagat, Bgy. Boton, Casiguran. Nasapol ng pagsabog ang trak at bumaliktad ito sa gilid ng national highway. Namatay ang apat na sundalo habang marami pa ang sugatan sa lakas ng dalawang pagsabog. Tinatayang di-bababa sa 15 sundalo ang sakay ng trak na pinamumunuan ng isang Lt. de Jesus. Agad na pinalibutan ng mga nagrespondeng sundalo ang lugar, walang-habas na nagpaputok ng mga baril upang palitawing nagkaroon ng labanan, at itinago sa publiko ang kanilang mga kaswalti.

Oktubre 11, alas-6:20 ng gabi. Pinarusahan ng isang yunit ng Celso Minguez Command ng BHB ang isang pusakal na CAFGU sa harap mismo ng kanilang detatsment sa Bgy. Porog, Bulusan, Sorsogon. Kinilala ang CAFGU na si Sandy Floresca na may utang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan dahil sa pagpapakubkob ng tatlong mandirigma ng BHB noong 1987 sa Barcelona, Sorsogon na nagresulta sa kanilang kamatayan. Binabantayan ng detatsment ng 22nd IBPA at mga CAFGU ang cellsite ng Globe sa lugar.

Oktubre 13, alas-2:30 ng hapon. Pinarusahan ng isang yunit ng Celso Minguez Command ng BHB ang isang masugid na impormer ng militar sa Bgy. Siuton, Magallanes, Sorsogon. Kinilala ang impormer na si Rolin Añonuevo na direktang sangkot sa pagpapahuli ng apat na mandirigma ng BHB sa naturang lugar noong Nobyembre 5, 2009 at sa pagpapakubkob ng isang yunit ng BHB sa Bgy. Ginangra, Magallanes noong Enero 11, 2010 na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pulang mandirigma at pagkawala ng ilang armas.

Oktubre 15 alas-10 ng gabi. Pinarusahan ng isa pang yunit ng Celso Minguez Command ng BHB si Bebot Dolosa ng Bgy. Gatbo, Bacon, Sorsogon City dahil sa kaso ng pagpapahuli sa dalawang pulang mandirigma noong Hunyo 30, 2010 sa parehong lugar. Si Dolosa ay aktibong impormer ng militar at ginagamit ng special operations team (SOT) ng 49th IB sa paniniktik sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan.

Masbate

Naglunsad din ng apat na operasyong haras, isang pagpapasabog, isang ambus at isang pamamarusa ang mga pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate laban sa nag-ooperasyong tropa ng 9th IB, 93rd Reconnaisance Company, 85th IB at PNP.

Pinarusahan ng BHB noong Oktubre 12 (ala-una ng hapon) ang masugid na impormer ng militar na si Jopy Almonte sa Bgy. Pinya, San Jacinto, isla ng Ticao sa Masbate habang nasa aktwal na pag-eespiya laban sa rebolusyonaryong kilusan. Ito rin ang aktibong giya ng mga operasyong militar na nagsasapanganib ng yunit ng BHB na kumikilos sa lugar.

Oktubre 13 alas-10:30 ng gabi. Hinaras ng isang yunit ng BHB ang 18-kataong tropa ng 9th IB na nagsasagawa ng operasyong militar sa Bgy. Buracan, Dimasalang.

Oktubre 14 ng gabi. Muling hinaras ng BHB ang dalawang pormasyon ng militar na nagtipon sa Bgy. Entosan, Palanas. Ito ang parehong tropa ng militar na mula sa Bgy. Buracan, Dimasalang at isa pang tropa ng 9th IB na mula sa Bgy. Mambog, Palanas.

Oktubre 15 alas-10:30 ng gabi. Hinaras ng isang yunit ng BHB ang detatsment ng 9th IBPA sa Bgy. Paguehaman, Uson, Masbate. Umabot ng limang minuto ang palitan ng mga putok.

Oktubre 17 ng madaling araw. Nagpasabog ng command detonated explosive ang BHB sa Bgy. Daraga, Placer upang lituhin ang mga nag-ooperasyong militar at sirain ang kanilang plano. Kumagat naman ang mga sundalo at lumabas ang mga ito sa mayor na kalsada.

Oktubre 17 ng gabi. Hinaras ng isang yunit ng BHB ang dalawang trak na puno ng mga sundalo habang nagbabyahe sa Bgy. Maravella, Palanas. Napokusan ng putok ng mga riple ang ikalawang trak at pinaniniwalaang maraming tinamaan sa mga sundalo. Isa ang kumpirmadong namatay at dinala sa isang punerarya sa Masbate City.

Oktubre 18, alas-7 ng umaga. Dalawang pulis na nakatalaga sa Pio V. Corpuz PNP ang matagumpay na inambus ng isang yunit ng Jose Rapsing Command sa Sityo Buenasuerte, Bgy. Malamac, Pio V. Corpuz. Nakumpiska sa kanila ang isang kalibre .45 baril, isang 9mm na pistola at mga bala. Aktibo sa operasyong kontra-insurhensya ang mga pulis na ito at nagbubuo ng mga barangay intelligence network sa lugar.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita ng NDF-Bicol

email:    greg_banares@yahoo.com/
gb_ndfbicol@yahoo.com

websites: http://www.ndfbicol.wordpress.com
http://www.twitter.com/ndfbicol

facebook account: greg banares

Engkwentro ng NPA at Militar sa Bacon ayon kay Maj. Cabunoc – Isang Kasinungalingan

Oktubre 13, 2010
SMS Pahayag

Walang nangyaring engkwentro sa pagitan ng NPA at militar sa Bgy. Jamislagan, Bacon, Sorsogon nitong Okt. 13, alas-3 umano ng umaga tulad ng nilubid na balita ng tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Phil. Army. Isang pakulo lamang ito ng special operations team (SOT) ng 49th IBPA na nakabase sa lugar dahil walang yunit ng NPA sa lugar at sila-sila lamang ang naroroon.

Katawa-tawa rin at di kapani-paniwala ang paratang ni Maj. Harold Cabunoc na pinipilit umano ng NPA ang mamamayan na iboto ang isang kandidato sa baryo. Hindi pa nga tapos ang filing of Certificate of Candidacy at hindi pa pinal ang listahan ng mga kandidato at matagal pa ang araw ng itinakdang kampanya ng mga ito.

Gumagawa lamang ng pekeng balita si Maj. Harold Cabunoc bilang bahagi ng psy-war operations upang ilihis ang atensyon ng publiko at pagtakpan ang pagkakasangkot ng 2nd IBPA sa karumaldumal na pagmasaker ng pamilyang Lotino sa Bgy. Nabas-an, Daraga, Albay.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Command Detonated Explosive ng NPA-Sorsogon sa Trak ng 49th IBPA – 4 Militar ang Kaswalti

Oktubre 12, 2010
SMS Pahayag

Taliwas sa pagsisinungaling ng 49th IBPA na walang kaswalti sa kanilang hanay, 4 na sundalo nito ang kumpirmadong namatay at maraming iba pa ang nasugatan ng bumaligtad ang trak na nasapol ng command detonated explosive ng NPA sa Sorsogon nitong Oktubre 11. Naganap ang insidente sa Sityo Cagdagat, Bgy. Boton, Casiguran dakong 12:10 ng tanghali.

Nakita ng mga sibilyan ang mga kaswalti sa nawasak na sasakyang pangmilitar at kinumpirma ng mga kontak sa loob ng PNP ang impormasyon. Agad na pinalibutan ng militar ang lugar upang itago sa publiko ang kanilang mga kaswalti habang walang habas na nagpaputok upang palitawin na nagkaroon ng labanan.

Sa kabuuan ay nakapaglunsad ng 11 pag-atake ang NPA mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 11 laban sa berdugong 9th IDPA. Ang 4 nito ay nangyari sa Albay at ang 7 naman ay sa Sorsogon. Tiyak na dadami pa ang kaswalti sa militar kapag natipon na ang mga ulat mula sa mga kumand sa operasyon ng NPA.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Kalupitan ng 9th IDPA sa Banwang Gurang, Sorsogon, Pagbayarin!

SMS Pahayag

Enero 31, 2010

Sagadsaring sinungaling si Maj. Harold Cabunoc ng 9th Infantry Division at pilit na binabaliktad ang pangyayari sa labanang naganap sa Bgy. Banwang Gurang, Donsol, Sorsogon kahapon ng hapon. Hindi ang BHB ang nagsasagawa ng ambus sa umano’y 3 nakasibilyang sundalo at CAFGU kundi ang militar ang umatake sa mga pulang mandirigma.

Ngunit mahusay na nakapanlaban ang isang tim ng BHB at napinsalaan ng malaki ang umaatakeng sundalo at CAFGU. Dalawa ang patay at 4 ang sugatan kabilang ang sarhento na kumander ng 22nd IB-CAFGU detatsment, habang isang pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay sa labanan.

Sa sobrang aburido ng militar, walang pakundangang nagwala ito sa lugar at dinukot ang ilang sibilyan, may ginilitan ng leeg, at marami ang binubug. Iligal na inaresto ang sibilyang si Rolly Deloso at pinaratangang kasapi ng BHB. Dapat pagbayarin ang pamunuan ng 9th IDPA at mga tauhang sangkot sa kalupitang ginawa sa mga sibilyan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Sunod sunod na mga taktikal na opensiba ngayong Enero

Pahayag sa Media
31 Enero 2010

MGA TAKTIKAL NA OPENSIBA SA BIKOL SA UNANG BUWAN NG 2010

Koordinado at magkakasunod na mga taktikal na opensiba sa buong rehiyon ang pambungad na bigwas ng Bagong Hukbong Bayan sa berdugo at pasistang 9th Infantry Division-PA at PNP sa taong 2010. Sa kabila ng pagyayabang ni Maj.Gen. Ruperto Pabustan na nabawasan nila ng malaki ang pwersa ng BHB noong nakaraang taon ng 2009, nakapaglunsad ang Bagong Hukbong Bayan ng di-bababa sa tatlumpu’t tatlong opensibang aksyong militar at nagkaroon ng apat na depensibang labanan sa buwan lamang ng Enero.

Ang mga opensibang aksyon ng BHB ay kinabibilangan ng isang ambus, isang reyd, limang pamamarusa at dalawampu’t anim na operasyong atritibo sa mga probinsya ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.  Sa kabuuang 37 na labanan (opensiba at depensiba) umabot sa 20 ang kumpirmadong namatay sa mga pasistang tropa at 20 ang sugatan habang mas marami pa ang bilang ng kaswalti sa AFP-PNP at CAFGU na itinago ng militar. Napangalagaan ang kapakanan ng mga sibilyan at walang nadamay sa naturang mga labanan.

Pinakamatingkad at pinakamarami ang aksyong militar sa Masbate, Albay, Camarines Sur at Sorsogon. Matagumpay na inambus sa Albay ang special operations team (SOT) ng 2nd IB sa Bgy. Taplacon, Camalig noong Enero 14 na ikinamatay ng isang Pfc. Michael Sacza. Hinaras at pinaputukan naman ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command-Sorsogon ang mga sundalong sakay ng trak sa Bgy. Palogtok, Irosin noong Enero 15 na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pitong sugatan sa 49th IB.

Sa probinsya ng Masbate, apat na sundalo ng 9th IB ang namatay at sugatan ang anim na iba pa nang pasabugan ng command detonated explosive ang kanilang sinasakyan sa Bgy. Lalaguna, Mobo noong Enero 15. Pagkalipas ng limang araw noong Enero 20, pinasabugan ng isang komando tim ng Jose Rapsing Command ang pader at guard house sa harapan ng kampo ng PNP-RMG at 9th IB sa Bgy. Armenia, Uson na nagresulta sa pagkamatay ng apat na sundalo ng 9th IB na nagbabantay ng mga oras na iyon.

Nakumpiska naman ng Jose Rapsing Command ang dalawang bushmaster na riple at isang shotgun nang ireyd ng isang platun ng BHB ang bahay ng kandidatong si Monching Radan sa Bgy. Taguilid, Claveria, Masbate noong Enero 16.

Matagumpay ding naparusahan ng BHB ang kasapi ng Military Intelligence Group (MIG) na si Joel Mitra noong Enero 27 sa Bgy. Tigbao, Aroroy, Masbate at nakumpiska ang isang Ingram machine pistol, isang kalibre .45 baril, dalawang .38 rebolber, isang shotgun, teleskopyo at daan-daang mga bala.

Tatlo pang mga aktibong impormer ng Military Intelligence Group (MIG) ng AFP ang naparusahan ng BHB sa iba’t ibang lugar sa bayan ng Aroroy at Cawayan, Masbate. Kabilang dito si Toto Ortis na may kaso ng panggagahasa noong Agosto 2009 ng isang 16-taong gulang na estudyante ng Malbog Highschool sa Cawayan, Masbate; Sally Flores ng San Pablo, Aroroy na nanggahasa din ng sariling anak; at Junti Becamon ng Polot, Cawayan na isa ring pusakal na mangangalabaw.

Dumanas din ng apat na depensibang labanan ang mga pulang mandirigma. Kahit naunahan ng militar, magiting na nakapanlaban ang mga pulang mandirigma at napinsalaan ng malaki ang mga pasistang tropa. Sa Bgy. Banuang Gurang, Donsol, Sorsogon tinangkang kubkubin ng militar at CAFGU ang isang tim ng BHB nitong Enero 29 ng hapon ngunit ang militar ang namatayan ng 2 sundalo at CAFGU at sugatan ang apat na iba pa nang mahusay na makapanlaban ang mga pulang mandirigma. Sa depensibang labanan sa Magallanes, Sorsogon noong Enero 11 ay dalawa ang kumpirmadong namatay sa 49th IB at tatlo ang sugatan na kinarga ng masa at isinakay sa bangka ng militar. Apat na pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay at namartir sa apat na depensibang labanan.

Pinabubulaanan ng mga aksyong militar ng BHB ang saywar ng 9th ID na mahina na ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon, at pinatutunayan ang lubos na pagkabigo ng Oplan Bantay Laya ng pasistang rehimeng US-Arroyo. Isang mariing sampal din ito sa liderato ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan ng 9th IDPA na nagyayabang kamakailan na kaya niyang tapusin ang problema ng insurhensya sa rehiyon sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Pekeng mga tagumpay at mas maraming mga kasinungalingan ng 9th ID sa Bikol

Pahayag sa Midya
30 Enero 2010

PEKENG MGA TAGUMPAY AT MAS MARAMING KASINUNGALINGAN NG 9TH IDPA SA BIKOL

Peke at nilubid na mga kasinungalingan ang ipinangangalandakang tagumpay ng 9th Infantry Division – Philippine Army noong 2009 laban sa rebolusyonaryong kilusan ng Bikol. Sa sobrang desperasyon ng 9th IDPA na madurog o mapahina ang rebolusyonaryong pakikibaka sa rehiyon at sa paghahangad ng dagdag na estrelya sa balikat ng kanilang pinuno na si Maj. Gen. Ruperto Pabustan, naglulubid ito ng ulat ng mga pekeng tagumpay laban sa BHB habang patuloy na itinatago ang malaking bilang ng kanilang mga kaswalti sa labanan.

Imbensyon lang ng maruming imahinasyon at bahagi ng saywar ng mga upisyal ng 9th IDPA ang ipinagyayabang nitong nabuwag na isang “mayor na larangang gerilya” at nakubkob na mga kampo ng BHB sa rehiyon noong nakaraang taon. Kahit ang mass media sa rehiyon ay hindi naniwala sa pagyayabang ni Gen. Pabustan dahil hindi ito makapagpakita ng kahit isang larawan ng diumano’y anim na mga kampo ng BHB na kanilang nakubkob. Ang totoo’y mga karaniwang bahay lang ito ng mga sibilyan na pinalilitaw ng 83rd IBPA na mga kampo ng BHB upang merong maiulat at sinadyang pinili sa pinakanugnog na lugar ng Catanduanes upang mahirapang abutin ng mga kagawad ng mass media sakaling magkainteres silang tingnan ang mga ito.

Maliban sa ilang sibilyang iligal na inaresto at pinalitaw na mga sumukong kasapi ng BHB, hindi maiharap ni Gen. Pabustan sa media ang ipinagyayabang nitong 59 “rebel returnees” na ang ilan ay nakikinabang na umano ng “livelihood training package”. Ang totoo, sadyang pinalalaki ang bilang ng mga pekeng “rebel returnees” upang mas malaki ang makurakot na pondo ng mga upisyal ng 9th ID mula sa Social Integration Program (SIP) ng pasistang rehimen, at ginagamit ang mga pekeng “rebel returnees” sa kampanyang saywar ng rehimen.

Hindi maunawaan at hindi kailanman mauunawaan ng mga heneral ng AFP na kahit nagbuwis ng buhay ang ilang mandirigma ng BHB sa mga labanan, mas marami ang pumapalit at higit na marami ang handang magpultaym mula sa ilampung libong aktibistang masa at daan-daang libong baseng masa sa kanayunan at kalunsuran. Kaya’t palaging nanghuhula (at sumasablay) ang 9th IDPA sa tunay na armadong lakas ng BHB sa rehiyon na umano’y bumaba sa bilang na 400 mula sa 600 noong Disyembre 2008.

Pantastiko at sobrang hambog ang pahayag ni Gen. Pabustan na matatapos na ang problema ng insurhensya sa rehiyong Bikol sa buwan ng Hunyo ngayong taon. Ni hindi nga maabot ni Gen. Pabustan ang orihinal nitong target na tatlong larangang gerilya na dudurugin sa loob ng mahigit walong buwan bilang kumander ng 9th IDPA, ngunit nagmamagaling itong tatapusin sa loob ng ilang buwan ang di-nagawa ng labing-apat na taon ng pasistang paghahari sa ilalim ng batas-militar at mababagsik na kampanyang militar ng apat na papet na rehimen na durugin ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka ng mamamayan sa rehiyon.

Wala nang magagawa si Gen. Pabustan sa natitirang kulang sa anim na buwan na ibinigay na taning ni Gloria Macapagal-Arroyo upang durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol. Sa maksimum hahabulin na lang ni Gen. Pabustan na umimbento ng mga pekeng tagumpay para sa hinahangad na promosyon tulad ng pagpapakulo ng mas maraming “rebel returnees” at “mass grave”, panlilinlang at huwad na civil-military operations (CMO) upang pagtakpan ang karumaldumal na mga krimen ng 9th ID, pagtatago sa publiko ng dumaraming bilang ng kanilang kaswalti, at pag-iipon ng malaking halaga para sa pansariling interes mula sa mga malalaking kumpanya sa pagmimina at negosyo na pinoprotektahan ng CAFGU at militar, iligal na sugal tulad ng jueteng, at mula sa mga reaksyunaryong pulitiko na kinokotongan ng militar bilang proteksyon sa panahon ng eleksyon.

Sa kabilang banda, puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda ng mga rebolusyonaryong pwersa kasama ang mamamayan sa Bikol upang harapin ang malalaking hamon at tungkulin sa higit na pagpapaigting ng digmang bayan para makapag-ambag sa pagkakamit ng malalaking pagsulong tungo sa estratehikong pagkapatas ng digmang bayan sa buong bansa sa susunod na limang taon.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Tatlong Magkakasunod na Opensiba ng BHB – Matagumpay!

Tatlong magkakasunod na taktikal na opensiba ng BHB ang binigwas sa pasista at berdugong tropa ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa mga probinsya ng Albay, Masbate at Sorsogon noong Enero 14 at 15.

Namatay si Pfc. Michael Sacza at kumaripas ng takbo si Pfc. Malagday ng ambusinng BHB sa Bgy. Maninila, Camalig, Albay noong Enero 14. Mga elemento sila ng Special Operations Team (SOT) ng 2nd IBPA at nagsasagawa ng pananakot at panghaharas sa mamamayan ng lugar.

Dalawa naman ang namatay at 8 ang sugatan sa 9th IBPA nang pasabugan ng BHB ng command detonated explosive (CDX) ang kanilang sasakyan sa Bgy. Lalaguna, Mobo, Masbate noong Enero 15, alas-7 ng umaga. Namatay din 2 sundalo ng 49th IBPA at sugatan ang 7 pang iba nang paputukan ng isang tim ng BHB ang mga sundalong sakay ng trak habang binabaybay ang kalsada sa Bgy. Palogtok, Irosin, Sorsogon bandang alas-10 ng umaga nitong Enero 15.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Magkasunod na Engkwentro sa Sorsogon

Pahayag sa midya
Disyembre 15, 2009
Greg Banares, NDF-Bikol

Dalawang magkasunod na labanan ang naganap sa bayan ng Gubat, Sorsogon sa pagitan ng BHB – Sorsogon at 49th IBPA noong Disyembre 14, 2009. Ayon sa Celso Minguez Command ang unang engkwentro ay nangyari sa Bgy. Sangat, Gubat, Sorsogon dakong alas-6 ng umaga at ang ikalawa ay naganap sa Bgy. Tigkiw bandang alas-11 ng tanghali.

Sa engkwentro sa Bgy. Sangat, unang nakapagpaputok ang mga pulang mandirigma nang madaanan nila ang mga sundalo ng 49th IBPA sa isang burol na nakahiga pa sa kanilang mga duyan ang iba. Namatay naman si 2Lt. Michael Angelo Quibuyen bagong gradweyt ng PMA at si Cpl. Michael Gulles nang pagputukan ng BHB sa Bgy. Tigkiw.

Walang kaswalti sa panig ng BHB sa naturang mga labanan. Isang malaking kasinungalingan ang pahayag ni Maj. Harold Cabunoc ng 9th IDPA na nakikipagtulungan ang mga sibilyan sa kanila gayong wala itong nakukuhang suporta mula sa mamamayan kaya natatalo sa mga labanan.