Lagaslas

Lagaslas

Nakikihalakhak ang mga hagimit
Tumatanaw sa iyo at sa sapang
Pinaliliguan mo at ng iyong mga kasama
Nakikipaglaro ang iyong
Banayad na tawa
Sa lagaslas ng tubig
Habang nakamasid ang nasisiyahang langit
Maging ang sapa’y galak na galak
Sa inyong pag-iisa
At noon pa man
Batid mo nang sa bawat pagsisid at pag-ahon
Ikaw ay malaya

Lumipas ang panahon
Ikaw ay nakahanap
Ng mas malalim na sapang
Sasalubong sa iyong nakahahawang halakhak
Ipinagpatuloy mo ang pagsisid
Sa piling ng masa
At sa bawat pag-ahon mo’y
Kasabay ang kanilang kamalayan
Hindi ka nakuntento
Sa iyong kakayahang lumangoy
Tinuruan mo rin silang
Sumisid sa pusod ng rebolusyon
At umahon dala ang bawat tagumpay
Ng makauring paglaban
Naintindihan nilang
Ang tunay na paglaya
Ay hindi makukuha sa pagpapalutang-lutang
Sa agos ng buhay
Kundi sa paghawak ng armas
At sa pagsagupa sa baha ng reaksyon
Nilang mga gahaman
At noon pa man
Batid mo nang sa bawat pagsisid at pag-ahon
Kayo ay unti-unting lumalaya

Ngayon
Lumuluha ang mgapuno ng hagimit
Tumatanaw sa iyong bumagsak na katawan at sa sapang
Dinadaluyan ng iyong dugo
Sumisigaw ang sapa
Nalulumbay sa pagkawala
Ng kanyang kaibigan
Ng matapat na maninisid
Ng katotohanan at ng paglaya
Maging ang langit ay hindi napigilan
Ang pagbuhos ng kanyang luha
Sa iyong pagkawala

Mamaya lang ay titigil na ang ulan
Sa muling paglinaw ng tubig
Kami ay lalangoy para sa pagpapatuloy..

Pagpupugay sa mga Martir ng Bayan!

parangal banner

Dalawang tao, magkaibang mundo
Isang nagsisimula pa lamang sa paglalakbay
At isang nasa dapithapon na ng buhay
Pinag-ugnay ng iisang mithing
Lumaya at magpalaya
Dalawang tao, iisang digma
Magkasabay na lumaban

Sabay ninyong tinanaw
Ang kabuuhan ng bundok ng Buhi
Kinabisado ninyo ang bawat
Tarik at lalim
Kinilala ninyo ang mga bato
Ang mga punong nakikipagsalimbayan
Sa bulong ng hangin
Ang sanga-sangang sapa
Nagdudugtong ng mga buhay
Mga saksi sa pakikipaglaban
Para sa kalayaan
Noon, ngayon at bukas

Noon
Ang miminsang pagningas ng isang diklap
Ay nagluwal ng hindi maaapulang apoy
Sa puso ng mga indios
Matagal na panahong piniit
Ng polo y servicios
At ng doctrina christiana
Ng mga kolonyalistang Espanyol
Sila’y lumaban at kinanlong ng
Kagubatang sa inyo rin ay tahanan
Ngayon

Naka-buhi
Nakawala, nakalaya
Noon pa lamang alam ninyo nang
Katumbas ng Buhi
Ang paglaya nila noon
At ang paglaya natin ngayon
Kung kaya’t walang oras kayong pinalagpas
Inialay ang inyong natatanging buhay
Sa pagpapatuloy ng paglalagablab
Ng apoy ng makauring digma

Dalawang magkaibang tao
Buong tapat na tumugon
Sa panawagang magbalikwas
Kayo man ay nabuwal
Nakaukit na sa mga haligi ng Buhi
At sa puso ng mamamayan
Ang inyong dakilang ambag

Mamayang gabi
Muling isusukbit ang bag
Amopawts at baril
At sa kadiliman
Lalakbayin namin ang
Buhi

Iluluwal Ng Kilusang Masa Ang Mga Tulad Ni Sen. Joker Arroyo

Nakikidalamhati ang National Democratic Front – Bicol sa pamilya, mga kaibigan at tagasuporta ni dating Senador Joker Arroyo sa kanyang pagpanaw noong Oktubre 5 dahil sa sakit sa puso. Kinikilala ng NDF – Bicol ang naging ambag ng dating senador mula sa Naga City sa pagpanig sa hanay ng mamamayan sa kanilang pakikibaka para sa mga pambansa at demokratikong interes at karapatan.

Sa panahon ng mapanupil na Batas Militar ni Marcos, ihinain niya ang kanyang libreng serbisyo bilang abugado ng mga sinusupil ng diktadurya. Gayundin maging sa mga sumunod na nagkunwaring demokratikong rehimeng patuloy na umusig sa mga progresibo’t rebolusyonaryong pwersa, ibinigay ni Sen. Joker sa reaksyunaryong korte ang kanyang testimonya na makatutulong sa pagbasura sa mga gawa-gawang kaso laban sa mga akusado. Nagpahayag din siya ng pagtutol sa pagtatalaga sa isang dating upisyal ng kinamumuhiang Philippine Constabulary at dating heneral ng Philippine National Police upang manguna sa pagtakda ng mga karapat-dapat na panagutan ng Batas Militar.

Continue reading

PFC Edwin Nazarionda, PINARUSAHAN NG NPA

Pahayag sa Midya
Oktubre 7, 2014

Pinarusahan ng Edmundo Jacob Command (EJC) ng New People’s Army (NPA) si PFC Edwin Nazarionda a.k.a Marjorie ng Philippine Army, 44 taong gulang taga-brgy Igbac, Buhi, Camarines Sur noong Oktubre 03, 2014 6:45 ng gabi. Nasugatan din ang isang CAFGU nang sumaklolo sa panahon na isinasagawa ang pamamarusa na di kalayuan sa 42nd Infantry Batallion Headquarter sa brgy Mabaludbalud, Tigaon, Camarines Sur.

Nais ilinaw ng Edmundo Jacob na marami itong krimeng pampulitika sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan kaya ginawaran ng karampatang kaparusahan. Continue reading

Patalsikin ang Reaksyunaryong Rehimeng US-Benigno Simeon Aquino! Paigtingin ang Pagsusulong ng Rebolusyon!

Kaisa at kabahagi ang National Democratic Front-Bicol Region sa malawakang panawagan ng mamamayan na patalsikin ang reaksyunaryong rehimeng US-Benigno Simeon Aquino!!

Makatarungan lamang na muling gamitin ng mamamayan ang kapangyarihang magpatalsik ng isang rehimeng batbat ng korapsyon at panggagantso, hayagang naggagarantiya ng kontrata at tubo ng mga negosyo ng mga kroni at kanyang pamilya na tinatawag niyang “BOSS”. Higit sa lahat tiyakin na pagsilbihin ang mga ito sa interes ng malalaking dayuhang kapitalista at ng Estados Unidos.

Kagyat lamang na dapat patalsikin si Aquino dahil sa mabigat na kasalanan sa mamamayan sa loob ng apat (4) na taong panunungkulan.

Unang-una ang litaw na kaso ng masahol na korapsyon sa pamamagitan ng pork barrel, Disbursement Acceleration Program, Malampaya Scam na walang katulad sa kumpara sa mga nagdaaang rehimen. Continue reading

Karangalan sa Kabila ng mga Duguang kamay ng 9th Infantry Division sa Pagpatay at Paglabag sa Karapatang Pantao sa Operasyong Musang ng Oplan Bayanihan sa Bikol

Ipinagmamayabang ng 9th Infantry Division sa pamumuno ni Major General Yerson Depayso ang pagkakakaroon daw ng best brigade award ang 903rd Infantry Brigade sa lahat ng mga brigada sa kabuuang mersenaryong AFP ngayong 2014. Nakamit ang mga award, promosyon at 2.5 milyong reward dahil sa pagkapatay daw sa isang Ka Cenon na BRPC member, pagkamartir ng dating tagapagsalita ng NDF Ka Greg Banares at pagkamatay ilang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa tatlong (3) magkakasunod na labanan noong taong 2013-2014. Pagkakahuli daw ng iba pang mataas na opisyal ng NPA at ng bagong tagapagsalita na si Maria Roja Banua sa isang labanan sa Matnog, Sorsogon. Continue reading

Puspusang Isulong Ang Paglaban Sa Sistemang Pork Barrel At Paigtingin Ang Pagpapatalsik Kay Aquino

Pahayag sa Midya
Hunyo 12, 2014

Nakikiisa ang National Democratic Front-Bicol sa pagkilos ng mamamayang Bikolano upang wakasan ang sistemang pork barrel at parusahan ang mga promotor nito sa Malakanyang. Tuluy-tuloy na nagpupunyagi ang libo-libong Bikolano sa maraming panig ng rehiyon upang makisanib sa laban ng milyon-milyong mamamayang pinagnanakawan ng gubyerno ni Noynoy Aquino.
Sa pagtatangkang pahupain ang galit ng sambayanan at pigilan ang kanilang pagmartsa, madaliang sinampahan ng kasong pandarambong ang mga kalaban ni Aquino sa pulitika na naunang nasangkot sa pork barrel scam. Layunin din nitong pagtakpan at ipagtanggol ang mga pork barrel kingpin katulad ng mastermind ng Disbursement Acceleration Program (o pork barrel ng pangulo) na si Budget Secretary Butch Abad, si Agriculture Secretary Proceso Alcala, si Senate President Franklin Drilon, at iba pang mga kaalyado ni Aquino sa Kongreso. Ngunit ang gayong paglilihis ay lalo lamang naglalantad sa krimen ni Aquino sa pakikipagsabwatan sa pagnanakaw sa pondo ng bayan. Hindi lamang hungkag ang bukambibig ni Aquino na “matuwid na daan”. Ang totoo, ginagamit niya ang islogan na ito bilang pantakip sa pagpapahintulot ng tagus-tagusang korapsyon sa ilalim ng kanyang rehimen. Continue reading