Pagpupugay sa mga Martir ng Bayan!

parangal banner

Dalawang tao, magkaibang mundo
Isang nagsisimula pa lamang sa paglalakbay
At isang nasa dapithapon na ng buhay
Pinag-ugnay ng iisang mithing
Lumaya at magpalaya
Dalawang tao, iisang digma
Magkasabay na lumaban

Sabay ninyong tinanaw
Ang kabuuhan ng bundok ng Buhi
Kinabisado ninyo ang bawat
Tarik at lalim
Kinilala ninyo ang mga bato
Ang mga punong nakikipagsalimbayan
Sa bulong ng hangin
Ang sanga-sangang sapa
Nagdudugtong ng mga buhay
Mga saksi sa pakikipaglaban
Para sa kalayaan
Noon, ngayon at bukas

Noon
Ang miminsang pagningas ng isang diklap
Ay nagluwal ng hindi maaapulang apoy
Sa puso ng mga indios
Matagal na panahong piniit
Ng polo y servicios
At ng doctrina christiana
Ng mga kolonyalistang Espanyol
Sila’y lumaban at kinanlong ng
Kagubatang sa inyo rin ay tahanan
Ngayon

Naka-buhi
Nakawala, nakalaya
Noon pa lamang alam ninyo nang
Katumbas ng Buhi
Ang paglaya nila noon
At ang paglaya natin ngayon
Kung kaya’t walang oras kayong pinalagpas
Inialay ang inyong natatanging buhay
Sa pagpapatuloy ng paglalagablab
Ng apoy ng makauring digma

Dalawang magkaibang tao
Buong tapat na tumugon
Sa panawagang magbalikwas
Kayo man ay nabuwal
Nakaukit na sa mga haligi ng Buhi
At sa puso ng mamamayan
Ang inyong dakilang ambag

Mamayang gabi
Muling isusukbit ang bag
Amopawts at baril
At sa kadiliman
Lalakbayin namin ang
Buhi

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s