Lagaslas

Lagaslas

Nakikihalakhak ang mga hagimit
Tumatanaw sa iyo at sa sapang
Pinaliliguan mo at ng iyong mga kasama
Nakikipaglaro ang iyong
Banayad na tawa
Sa lagaslas ng tubig
Habang nakamasid ang nasisiyahang langit
Maging ang sapa’y galak na galak
Sa inyong pag-iisa
At noon pa man
Batid mo nang sa bawat pagsisid at pag-ahon
Ikaw ay malaya

Lumipas ang panahon
Ikaw ay nakahanap
Ng mas malalim na sapang
Sasalubong sa iyong nakahahawang halakhak
Ipinagpatuloy mo ang pagsisid
Sa piling ng masa
At sa bawat pag-ahon mo’y
Kasabay ang kanilang kamalayan
Hindi ka nakuntento
Sa iyong kakayahang lumangoy
Tinuruan mo rin silang
Sumisid sa pusod ng rebolusyon
At umahon dala ang bawat tagumpay
Ng makauring paglaban
Naintindihan nilang
Ang tunay na paglaya
Ay hindi makukuha sa pagpapalutang-lutang
Sa agos ng buhay
Kundi sa paghawak ng armas
At sa pagsagupa sa baha ng reaksyon
Nilang mga gahaman
At noon pa man
Batid mo nang sa bawat pagsisid at pag-ahon
Kayo ay unti-unting lumalaya

Ngayon
Lumuluha ang mgapuno ng hagimit
Tumatanaw sa iyong bumagsak na katawan at sa sapang
Dinadaluyan ng iyong dugo
Sumisigaw ang sapa
Nalulumbay sa pagkawala
Ng kanyang kaibigan
Ng matapat na maninisid
Ng katotohanan at ng paglaya
Maging ang langit ay hindi napigilan
Ang pagbuhos ng kanyang luha
Sa iyong pagkawala

Mamaya lang ay titigil na ang ulan
Sa muling paglinaw ng tubig
Kami ay lalangoy para sa pagpapatuloy..

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s