“Ang Akala Nila” – Tula Alay para sa Tatlong Martir sa Sorsogon!

Ka Joel – Domingo Llantos Jr.

Mula pagkabata’y nililok ka na ng kilusan

Binigyang hugis ang katawan at isipan

Na dati ay alipin ng kahirapan at kamangmangan

Pinanday ang iyong paninindigang

Bumalikwas at likhain ang kinabukasan

At ngayon ikaw na ang nagbibigay hugis

Sa mga pirasong kahoy na sabik

Sa bawat galaw ng sundang

Sa paghulma at pagtransporma

Ng luma tungo sa panibagong likha

Nang ika’y kanilang paslangin

Akala nila’y natapos na rin

Ang pag-ukit ng mandirigma

Ang hindi nila alam ay hindi lang kahoy

Ang iyong hinulma

Kundi isipan at diwa ng maralitang masa

Na syang mapagpapatuloy

Ng iyong nililikhang kinabukasan

I-Download sa PDF:

Untitled-3 last na

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s