Masaker sa Apat na Sibilyan ng Masbate, Ganting Aksyon ng CIDG-Bravo Company ng 9th Infantry Battalion-903rd Brigade, 9th ID, AFP sa Ambus na Inilunsad ng Jose Rapsing Command-BHB, Masbate

(Panimulang Ulat na Natanggap ng Public Information Bureau-NDF-BIKOL c/o Maria Roja Banua)

Agosto 03, 2015 alas-4:00 ng hapon -Inambus ng yunit ng Jose Rapsing Command (JRC-NPA, Masbate) ang papauwing pinagsamang tropa ng Criminal Intelligence and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Major Manuel Pedire at Bravo Company, 9th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pamumuno naman ni 1st Lt. Jeffrey Fajardo sa haywey ng Brgy. Mactan, Cawayan. Isang opisyal ang agad na napatay sa labanan habang may apat (4) na sugatan: 3 sa tropa ng Bravo Company at isa (1) sa tropa ng CIDG.

Bago ang nasabing ambus, tatlong (3) araw na nagsagawa ang mga sundalo ng operasyon sa mga barangay ng Cataingan, Palanas, Cawayan at Placer, Masbate. Operasyong paninindak at terorismo ang naging kondukta ng mga nasabing sundalo laban sa mamamayang Masbatenyo. Walang pakundangang nanira ng mga ari-arian, nanghalughog ng mga bahay, nambugbog, nanampal sa ilang kababaihan, nang-akusa at nagtanim (planted) ng armas at bomba sa bahay ng mga sibilyan.

Matapos maambus ang kanilang yunit agad nagsagawa ng checkpoint ang tropa ng Bravo Company ng 9th IBPA sa kalsada ng Brgy. Mactan, Cawayan. Pinababa ang mga driver ng apat (4) na motor na habal-habal, dinala sa kugonan at minasaker. Saksi ang mga pasahero na regular na sumasakay sa mga habal-habal na motor na minasaker ang mga driver na lehitimong sibilyan at residente ng Brgy. Mactan. Kayang patotohanan ng mga pamilya at opisyales ng barangay na sina Gary Bisnar, Adam Fajardo, Biboy Badillo at isang nagngangalang Pabito na hindi sila kasapi ng Bagong Hukbong Bayan. Matapos isagawa ang masaker buong kasinungalingang pinalabas na mga NPA ang apat (4) na drayber at napatay daw sa engkwentro at tinambakan ng “planted” na mga baril at samut-saring kagamitan.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s