Pagpapaliban sa Parusang Kamatayan kay Maryjane Veloso Tagumpay ng Pagkakaisa ng Sambayanang Pilipino at Daigdig

Pahayag sa Midya

Mayo 1, 2015

Nagpupugay ang National Democratic Front-Bicol sa pagkakaisang ipinamalas ng sambayanang pilipino kaalinsabay ng suportang tinamo mula sa 125 na bansa o 65% ng mahigit 192 bansa sa mundo. Isang tagumpay na pansamantalang pagkakaligtas sa parusang kamatayan si Maryjane Veloso sa bansang Indonesia para harapin ang mga remedyong ligal para patunayan na inosente ito sa bintang na drug trafficking.

Niluwal ito ng tuly-tuloy na kampanya ng mga kapwa OFW sa ilalim ng Migrante, Internasyunal, sektoral na organisasyon at grupo na militanteng nagsiwalat sa kalagayan at napapabayaang kaso ni Maryjane Veloso. Inilusad ang #SAVE MaryJane na humatak ng malakas na simpatiya at umani ng malakas na suporta mula sa mismong bansang Indonesia at Internasyunal. Agarang nagtala ng mabilis na 50,0000 suportang pirma mula sa Pilipinas at 125 na bansa sa loob lamang ng apat (4) na araw. Kahit ang ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, kinatawan ng ASEAN Youth Forum ay personal na nakipagkita kay President Joko Widodo ng Indonesia upang tumulong na iligtas ang buhay ni Veloso.

Mahalagang itala ang partisipasyon ng mga kilalang personalidad na sumuporta sa kilusang pagpapalaya kay Veloso na kinabibilangan ng Indonesian chef Rahung Nasution, United Nations Secretary General Ban Ki-Moon, Philippines Vice-President Jejomar Binay, celebrity boxer Manny Pacquiao, American author Eve Ensler, French—Indonesian singer Anggun, Nobel Peace Prize winner Jose Ramos-Horta, British tycoon Richard Branson, English musician Tommy Iommi, and Indonesian maid Erwiana Sulistyaningsih.

Lumikha ng matinding presyur ang pagkakaisa ng mamamayan sa bansa at mundo sa gobyernong Noynoy Aquino upang magkumahog saka lamang umaksyon para humingi ng apelasyon sa gobyernong Widodo ng Indonesia nitong Marso 2015. Maitatalang nakulong si Maryjane noon pang 2010 sa kasong drug trafficking. Paulit-ulit na humihingi ang pamilyang Veloso ng tulong sa tatlong ahensya ng gobyerno at sa Presidente ng Pilipinas pero naghintay sa wala hanggang masalo ito ng mga progresibong kilusan ng Migrante at iba pa. Higit sa lahat, lansakang kawalan ng katarungan ng gobyernong Indonesia kung mapaparusahan si MaryJane Veloso na biktima ng human trafficking at manipulasyon ng mapagsamantalang labor recruiter.

Katulad ng kwento nina Flor Comtemplacion, Sarah Balabagan at marami pang iba, ang kwento ni Mary Jane ay isang payak na kwento ng mga Pilipinong nagbabakasaling sa pagtrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ang maayos na buhay ang kanilang mga pamilya. Nakakabahala na umaabot na sa 2.3 milyon ang mga OFW at araw-araw nadadagdagan ito ng mahigit 5,000 na kung saan mahigit sa kalahati ay mga kababaihan.

Ang patakaran ng gobyernong sa labor export at kawalan ng oportunidad na makapagtrabahong makabubuhay ang nagtutulak para mangibang bayan ang maraming mamamayan. Ito ang patakarang nagbubulid sa kanila na mahulog sa human at drug trafficking sa kamay ng mga illegal recruiter na kasabwat ang ahensya ng gobyerno. Ang patakarang ito ang nagtutulak sa milyon-milyong Pilipino lalo na sa mga kababaihan para suungin ang mga mapanganib at mabibigat na trabaho sa iba’t-ibang bahagi ng mundo

Hindi sapat na maipagtagumpayan ang pagpapaliban ang parusa kay Maryjane Veloso kailangang wasakin ang kontrol ng dayuhang interes sa bansa, magkaroon ng tunay na programa sa lupa at agrikultura, komprehensibong plano sa pambansang industriyalisasyon upang lumikha ng trabaho sa sariling bayan. Higit sa lahat kailangang ibagsak ang korap at papet na gobyerno upang itayo ang lipunang makatarungan, malaya at masagana. Tanging rebolusyon lamang ang tunay na magsasalba sa kaapihan, karukhaan at kawalang katarungan ng Sambayanang Pilipino.

Mabuhay ang kilusang demokratiko ng Sambayanang Pilipino at mamamayan ng mundo!

Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!

Ka Maria Roja Banua

Tagapagsalita

National Democratic Front

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s