Paghahanay ng Insidente ng Paglabag ng 9th Infantry Division Philippine Army sa Sibilyan

Probinsya ng Sorsogon

Abril 27, 2014, iligal na ikinulong si brgy captain Eddie Albor ng brgy Cococabitan, Bulan, Sorsogon sa Sorsogon City District Jail dahil sa bintang na kasapi ng NPA at ipinataw na gawa-gawang kaso pagkatapos ng isang engkwentro sa pagitan ng pinagkumbinang tropa ng 31st IBPA at 5th SR Coy at isang tim ng BHB sa Brgy. Cococabitan, Bulan, Sorsogon. Pilit na pinapapirma si Kap. Albor sa isang sinumpaang salaysay na nagsasaad ng kasinungalingan na isang mataas na kadre ng NPA ang kaswalti sa naturang engkwentro kapalit ng ng kanyang paglaya.
Abril 29, 2014 Pinagtatakot at binantaan ng tropang Alpha Coy, 31st IBPA ang mga residente ng Brgy. San Juan, Casiguran, Sorsogon matapos ang matagumpay na ambus ng isang yunit ng CMC-BHB doon. Nagbanta ang mga sundalo ng 31st IBPA, sa harapan mismo ng Brgy. Council dito, na uubusin nila ang mga pinaghihinalaan nilang suportador ng BHB sa buong bayan ng Casiguran. Napatay sa ambus na ito si Cpl. Edison Capital at nasamsam ng BHB ang isang .45cal pistol. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang BHB sa pamilya ng nadamay na sibilyan sa naturang ambus para sa karampatang aksyon.

Mayo 5, 2014 – Pagnanakaw ng bangcang de motor na pag-aari ng pamilyang Mansujer ng baranggay Sagrada, Bulan, Sorsogon na ginamit ng 31st Infantry Batallion sa kanilang operasyon sa bahaging Matnog at Bulan.

Mayo 9, 2014 – kaso ng extra-judicial killing ng Alpha Coy, 31st IBPA na binaril at pagpatay kay Joseph Benson, isang binata na taga Brgy. Inlagadian, Casiguran dahil sa hinalang kasabay daw ito sa mga operatiba ng BHB na nag-ambus sa kanilang tropa sa Brgy. San Juan noong nakaraang Abril.

Probinsya ng Camarines Sur

Abril 29 walang pakundangang pagbabaril sa bahay ni G. Vher Franco ng brgy Burabod, Lagonoy matapos mabigo ang mabilisang pagplanong pagkubkob sa mga kasama na nakamaniobra sa mas mahusay na tereyn upang umiwas na madamay ang mga sibilyan sa kumpol na bahay sa malapit.

Mayo 21, 2014 – pinaputukan ng tim ng Bagong Hukbong Bayan ang isang seksyon na bahagi ng Bravo Company ng 42nd Infantry Batalion na nakabase sa brgy Cambalidio na security force ng mga kanilang tropang nagkukunwang tumutulong sa brigada eskwela pero gumagalugad sa ibang bahagi ng baranggay.

Probinsya ng Masbate

Marso 30, 2014-pambubugbog sa pamangkin ng Mayor ng Cawayan, Masbate na si Dongdong Condor na taga brgy Del Carmen, Uson, Masbate ng Division Reconaissan Company, 9th ID dahilan lang sa de kaagadnakapag menor ng dinadalang motor sa tapat ng tsekpoynt.

Abril 22, 2014 – pandurukot at tangkang pagpatay kay Molong Carreon, 50 taong gulang magsasaka may asawa’t anak na taga brgy Liong, San Fernando, Masbate binugbog at sinasak sa ibaba ng leeg para piliting umamin na kasapi ito ng NPA

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s