Pagkahuli Kay Sandy Malaca, Maniobra sa Teknikalidad ng Korte at Paglabag sa Protocol ng Geneva Conventions at iba pang Batas sa Digma

Pahayag sa Midya

Mayo 10, 2014

“Nakahuli daw sila ng mataas na opisyal ng Bicol Regional Party Committee at ng NPA, buong pagmamayabang na pahayag ng 9th Infantry Division, Philippine Army” noong Mayo 6, 2014 sa umagang balita. Ayon naman kay Lt. Col Lenart Lelina, commanding officer 42nd IB PA sa interbyu sa kanya sa radyo “Hinuli namin si Sandy  Malaca hindi sa pagiging NPA nya kundi sa kasong murder sa dalawang militar sa Taisan noong 2012 dalawang taon na ang nakakalipas”.

Nais naming linawin ang mga sumusunod na punto hinggil sa nasabing pahayag:

  1. HINDI TUGMA ANG MGA SINASABI NI Lt. Col Lenart Lelina, commanding officer 42nd IBPA HINGGIL SA IPINAPATONG KASO KAY SANDY MALACA KUMPARA SA ISINASAAD NG WARRANT OF ARREST.

Sa tabing ng “john does” kinakasuhan ang sinumang personalidad ng rebolusyonaryong kilusan ng mga hinabing kaso ng pagkakaimbwelto at ihahabol na lang ang dokumento mula sa korte kapag nakahuli na.  Gayundin ang inaabot ng mga dating kasamang hinuhuli  na gamit ang mga witness na wala man lang kaalaman sa kaso.  Layunin nitong pagsilbihin sa kanilang psychological warfare at kanilang promosyon kahit pa ito ay lantarang lumalabag sa mga protocol hinggil sa armadong tunggalian. Mabilis ding  nakalimutan ni Lt Col Lenart Lelina at kanyang tauhan ang paglabag sa Protocol II Article 13 Protection for Civilian Population dahil sa walang pakundangan pamamaril sa bahay ng masang si G. Vher  S. Franco sa baranggay Burabod, Lagonoy, Camarines Sur noong Abril 29, 2014 kahit pa sumisigaw na ang masa na sibilyan sila at kagyat nang nakamaniobra ang mga kasama mula sa bahay na pansamantalang nakikipamuhay sa lugar ang kasama.

Ayon sa nilalaman ng unang Warrent of Arrest na inilabas sa kasong MURDER  na may No T-4032 noong Disyembre 12, 2013 ng RTC Branch 30 San Jose, Camarines Sur ay wala ang pangalan ni Sandy Malaca kundi mga pangalan lang nina Jose Andaya, Alex Britanico, Jaime Bagalacsa, Roberto Bien, Deomedes Apinado, Librado Adaptante, Alfie Pontanal, isang Jamay at mga John Does. Ito ay nagsasaad ng isang kaso ng insidente ng pagbaril kay Dominador RompeY Rempillo sa sitio Wakit, brgy Kilantaao, Sagnay, Camarines Sur na nagresulta sa pagkamatay nito.

Lumitaw lamang ang pangalan ni Sandy Malaca mula sa testimonya na ang isang aka Jamay at John Does sa warrant  ay si Sandy Malaca daw ayon sa affidavit ng mga saksi na sina Arnold O. Delena at Ronald M. Mendoza noong Abril  02, 2014 na kagyat na pinalabasan Warrant of Arrest noong Abril 10, 2014.

Si Sandy Malaca ay dating kasama na muling bumalik sa buhay sibilyan noong pang taong 2012 na pansamantalang nanirahan at naghanap ng trabaho sa Pasig City kung saan sya nahuli noong Mayo 5, 2014.

  1. WALA SA KAMALAYAN NI LT COL LENART LELINA NA SUMUNOD SA ISINASAAD SA PROTOCOL ng GENEVA CONVENTIONS HINGGIL SA ARMADONG TUNGGALIAN at MISMONG PROSESO NA ISINASAAD SA KANILANG BATAS

NANATILI  ANG KARAPATAN ni Sandy Malaca ayon sa sinasaad ng Protocol II Artikulo 6 na may kaugnayan sa pag-uusig at pamamarusa sa kasong kriminal na may relasyon sa armadong tungalian at kahit pa sa Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at batas ng reaksyunaryong gobyerno. Inaasahan na maibibigay sa kanya ang kinakaukulang karapatan at ikid ng hustisya ayon sa paniniwalang inosente pa rin sya hanggat hindi napapatunayan ang kasong murder sa kanilang korte.

NANININDIGAN ANG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT-Bicol (NDF) na hindi wastong patawan ng kasong kriminal ang sinumang kasama  kung naganap ang insidente sa panahon na nasa paggampan sa armadong tunggalian.  Magkagayunman, saklaw ng kanyang pagtupad ang pagrespeto, pagkilala sa mga karapatan at internasyunal na makataong batas. Sapanig ng NDF, NPA at PKP taas noo naming ipinapahayag na sa abot ng aming makakaya tinutupad namin ang sariling batas at regulasyon na superyor sa anupa mang batas hinggil sa karapatan at makataong batas sa pagsusulong ng digma.

Maria Roja Banua

Tagapagsalita

National Democratic Front-Bicol

mariarojabanua@gmx.com

ndfpbicol@gmail.com

http://www.ndfbicol.wordpress.com

http://www.ndfpbicol.blogspot.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s