Tatlong Malalalakas na Baril, Nasamsam ng BHB sa Reyd sa 49th IB sa Ragay, Camarines Sur.

Ulat ng Eduardo Olbara Command (NPA-Camarines Sur)

Mayo 9, 2013

Matagumpay na inatake ng mga pulang mandirigma ng Eduardo Olbara Command ang 15 sundalo ng 49th IB-PA sa Brgy Agao-ao, Ragay, Cam Sur nitong Mayo 9. Bandang alas 4:18 ng umaga nang isagawa ng BHB ang pagsalakay sa mga sundalong nakahimpil sa elementary school.

Ginawang baraks ng mga sundalo ang eskwelahan mula pa noong Mayo 6. Tumagal lamang ng 10 minuto ang labanan dahil mabilis na kumuripas papalayo ang nasorpresang mga sundalo.

Nasamsam ng BHB ang isang M16 armalite, isang carbin, isang garand rifle; isang Harris VHF radio; daan-daang bala ng M60 machine gun, M16, garand at carbin rifles. Naiwan din ng nagsitakas na mga sundalo ang 12 military backpacks, 11 combat boots, 10 cellphones, at 13 military uniforms.

Nagtamo ng maraming kaswalti ang 49th IB. Namatay sa pagsalakay ng BHB ang elemento ng CAFGU na si Jolan Sabaresa. Kabilang sa maraming sugatan sina PFC Roberto Moran, CAFGU Bryan Ceas, CAFGU Daniel Morales at CAFGU Charles Rogelio. Walang kaswalti sa panig ng BHB.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s