Koordinadong Opensiba ng BHB sa Bikol Laban sa Oplan Bayanihan

Naglunsad ng koordinadong pag-atake ang mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa rehiyong Bikol nitong Marso 10 at 11 upang bigwasan ang inilulunsad na brutal na kampanyang Oplan Bayanihan ng 9th Infantry Division ng Philippine Army (9th IDPA).

Magkakasabay na inatake ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command ng BHB-Sorsogon bandang alas-10 ng gabi nitong Marso 10 ang mga detatsment ng berdugong 22nd Infantry Battalion ng Philippine Army-CAFGU at berdugong 31st IBPA sa probinsya ng Sorsogon. Kinabibilangan ito ng mga detatsment ng 22nd IBPA-CAFGU sa Bgy. Casay, sa bayan ng Casiguran; detatsment sa Bgy. Purog, sa bayan ng Bulusan; detatsment sa Bgy. Baligang, sa bayan ng Gubat; detatsment sa Bgy. San Roque, sa bayan ng Bacon; at ang detatsment na nagbabantay ng cellsite ng Globe sa Bgy. Banwang Daan, sa bayan ng Matnog.

Ang mga detatsment naman ng berdugong 31st IBPA na inatake ng mga pulang mandirigma ay ang detatsment sa Sityo Bungsaran, Bgy. Rizal, sa bayan ng Gubat; at ang detatsment sa Bgy. Rizal, sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Halos magkakasabay ding inatake ng mga pulang mandirigma ng Santos Binamira Command ng BHB-Albay bandang alas-10 ng gabi nitong Marso 10 ang detatsment ng 22nd IBPA-CAFGU sa Bgy. Palanog, sa bayan ng Camalig; at ang detatsment ng 22nd IBPA-CAFGU sa Bgy. Villa Petrona, sa bayan ng Libon, Albay bandang alas-11 ng gabi.

Inatake rin ng mga pulang mandirigma ng Eduardo Olbara Command ng BHB-Camarines Sur ang “peace and development team” ng 42nd IBPA sa Bgy. Sooc, sa bayan ng Bato, Camarines Sur bandang alas-dose ng tanghali nitong Marso 11.

Ito ay tugon ng Bagong Hukbong Bayan sa matagal nang kahilingan ng mamamayan na parusahan ang mga tropa ng berdugong 9th Infantry Division-PA dahil sa napakahabang rekord ng pag-abuso sa mga karapatang pantao na kinabibilangan ng pagdukot, pagpapahirap, brutal na pamamaslang, iligal na pang-aaresto at panghahalughog, pananakot at pagbabanta sa buhay ng mga sibilyan, pamemerwisyo ng kanilang kabuhayan at marami pang iba.

Maaalalang noong Pebrero 25 ay naglunsad ng kilos-protesta ang libu-libong mamamayan sa mga probinsya ng Camarines Sur, Albay at Sorsogon upang ilantad at tuligsain ang brutalidad ng Oplan Bayanihan. Nagtipon-tipon sila sa mga bayan ng Bato sa Camarines Sur, sa bayan ng Guinobatan sa Albay, at sa bayan ng Barcelona sa Sorsogon upang igiit ang pagpapalayas sa mga sundalong naglulunsad ng “peace and development activities” sa kanilang mga komunidad, pagpapatigil ng brutal na kampanyang Oplan Bayanihan, at nanawagan ng katarungan para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Gregorio “Ka Greg” Banares
Tagapagsalita ng NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
ndfbicol@gmail.com

website: http://www.ndfpbicol.blogspot.com
http://www.ndfbicol.wordpress.com

twitter account: http://www.twitter.com/ndfbicol
facebook account: greg banares

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s