Walong Armas Nasamsam ng BHB-Camarines Norte sa Reyd

Pahayag sa Media

30 Abril 2012

Walong Armas Nasamsam ng BHB-Camarines Norte sa Reyd

Walong malalakas na armas kabilang ang anim na ripleng M16, isang masinggan na K3-SAW (squad automatic weapon), at isang kalibre .45 na pistola ang nasamsam ng mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa isang matagumpay na pag-atake laban sa mga berdugong tropa ng 49th Infantry Battalion Philippine Army bago magtanghali nitong Abril 29, 2012. Nasamsam din ang isang laptop computer at maraming pang kagamitang militar.

Nagsasagawa ng kontra-rebolusyonaryong Oplan Bayanihan sa Bgy. Maot, Labo, Camarines Norte ang mga tropa ng 49th IBPA nang salakayin ng mga pulang mandirigma. Itinaon ng mga pulang mandirigma ang pag-atake nang umalis ang siyam na sundalo para magsabong sa katabing barangay ng Calabasa at naiwan lamang ang sampung iba pa kabilang ang kanilang pinuno na si 2Lt. Eric Estravelio.

Namatay sa labanan ang apat na sundalo (hindi lima ayon sa panimulang ulat) na kinilalang sina Cpl. Amado Perillo, Pfc. Paulo Portiscio, Pfc. Teodoro Ojeda at Pfc. Dionisio Putian habang sugatan ang isang sundalong si Pfc. Leland Besada. Walang namatay o malubhang nasugatan sa mga pulang mandirigma.

Ikinalulungkot ng rebolusyonaryong kilusan ang pagkamatay ng sibilyang si Francisco Ruales at pagkakasugat ng sibilyang si Marlo Matibag na nadamay sa labanan. Sisikapin ng Armando Catapia Command na maugnayan ang pamilya ng mga sibilyang nadamay at tutulungan sila sa abot ng makakaya.

Malupit at madugo ang rekord ng paglabag sa karapatang pantao ng berdugong 49th IBPA. Kabilang sa mga krimen nito ang pagmasaker sa pamilyang Mancera nitong buwan ng Pebrero sa Bgy. Malaya, Labo, Cam. Norte. Namatay sa naturang masaker si Benjamin Mancera, ang dalawang anak nitong menor-de-edad, at nasugatan ang isa pang anak na babae ni Benjamin nang walang pakundangang paulanan ng bala ng mga sundalo ang bahay ng pamilyang Mancera.

Ginagamit na baraks o himpilan ng mga sundalo ang mga pampublikong pasilidad sa mga baryo tulad ng barangay hall, simbahan, daycare center, paaralan at mga bahay ng sibilyan sa mga operasyong pangkombat at sibil-militar. Tinatakot at hinaharas din ng mga sundalo ang mga sibilyan sa iba’t ibang barangay at pilit pinaaaming mga kasapi o tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan.

Pinabubulaanan ng matagumpay na taktikal na opensibang ito ang pahayag ng 9th Infantry Division ng AFP na wala nang kakayahan ang BHB sa rehiyon na magsagawa ng matatagumpay na pag- atake laban sa AFP at PNP. Pursigido ang BHB sa rehiyon na paigtingin pang lalo ang mga anihilatibong opensiba na dudurog sa mga yunit ng AFP at PNP at magpapalitaw ng dagdag na mga armas para sa mga bagong pultaym na mandirigma, mga bagong yunit gerilya, at itatayong bagong mga larangang gerilya sa rehiyon.

Pulang pagpupugay at pagbati sa mga pulang mandirigma ng Armando Catapia Command!

Itaas ang antas ng digmang bayan tungo sa estratehikong pagkapatas! Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

 

Gregorio “Ka Greg” Bañares

Tagapagsalita ng NDF-Bicol

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s