Pagkundena sa Pagpaslang sa Bikolanong Brodkaster na si Romeo Olea

SMS Pahayag sa Media
Hunyo 15, 2011

Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang pagpaslang sa brodkaster na si Romeo Olea ng DWEB-FM station sa Nabua, Camarines Sur  noong Hunyo 13.  Isa na naman itong  marahas na pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag na may layuning busalan ang bibig ng mga mamamahayag at ng mamamayan na bumabatikos ng kabulukan, katiwalian at karahasan ng estado, at ng mga bulok at warlord na pulitiko.

Tulad ng nakaraang rehimen, inutil ang rehimeng US-Aquino na wakasan ang mga pampulitikang pamamaslang at karahasan laban sa mga mamamahayag at mamamayan. Hindi rin kayang parusahan ng rehimen ang mga utak ng mga pamamaslang laluna’t kung ito’y  kabilang sa mga naghaharing uri tulad ng mga Ampatuan o kaya’y bahagi ng berdugong makinarya ng AFP at PNP.

Kabilang sa mga biktima ng pamamaslang at karahasan laban sa mga mamamahayag sa Bikol si Mike Belen ng DWEB-FM na pinatay noong nakaraang taon, at si Arnel Eclarinal ng GMA7 na binugbog ng isang upisyal ng 9th ID sa Pili, Camarines Sur nitong buwan ng Mayo.  Kinilala ang upisyal na si Maj. Sesenando Magbalot ng 9th ID Training Unit, na nalantad kamakailan ang torture video ng mga bagong rekrut sa militar.

Gregorio “Ka Greg” Bañares
Tagapagsalita ng NDF-Bicol

Reference Mobile Number: 0918.3458061/0928.3893909

emails:    greg_banares@yahoo.com/gb_ndfbicol@yahoo.com

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s