PAMANA: Panloloko sa Mamamayang Naghihirap

BAGONG HUKBONG BAYAN
Celso Minguez Command
S o r s o g o n

 

 

25 Abril 2011

 

PAMANA: Panloloko sa Mamamayang Naghihirap

 

MINAMADALI ngayon ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang implementasyon sa probinsya ng Sorsogon ng isang bagong programa sa counterinsurgency na tinatagurian nitong Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA. Nais ng OPAPP na agad masimulan ang programa sa probinsya bilang pilot area para ihabol ito bilang showcase sa State of the Nation Address ni Presidente Benigno Aquino III sa darating na Hulyo.

 

Tulad ng programang 4Ps, ang PAMANA ay engrandeng panlolokong bahagi ng Oplan Bayanihan ng AFP. Naglalaman ito ng sarisaring mga proyektong umano’y pangkapayapaan at pangkaunlaran ngunit sa katunaya’y panabing lamang sa layuning marahas na supilin ang lumalakas na rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan.

 

Sinisikap ngayon ng OPAPP na gamitin ang mga local government unit bilang tagapagpatupad ng mga proyekto ng PAMANA sa mga liblib na baryo ng iba’t ibang bayan sa Sorsogon. Nag-aalala marahil ang OPAPP na kung lalantad ito bilang tunay na utak ng PAMANA ay mahahalata ang disenyong pang-counterinsurgency ng programa.

 

Buo ang aming tiwala na hindi magpapagamit ang mga lokal na gobyerno sa kontrarebolusyon o sa anupamang programang hindi makabubuti sa kani-kanilang nasasakupan. Batid naming hindi isasakripisyo ni Mayor Jimmy Fragata ng Juban at ng iba pang lokal na ehekutibo sa probinsya ang kapakanan ng kanilang mga kababayan. Sasalalay dito ang patuloy na pagtitiwala sa kanila ng taumbayan at ang pagkakataong makipagmabutihan sa rebolusyonaryong kilusan.

 

Nararapat lamang na tutulan at hadlangan ang implementasyon ng PAMANA dito sa probinsya. Determinado ang rebolusyonaryong kilusan na biguin ito at gagawin nito ang lahat upang hindi mahulog ang mamamayan sa kontrarebolusyonaryong bitag. Ikasisiya namin kung makikiisa sa layuning ito ang mga lokal na gobyerno at lahat ng may interes sa kagalingan ng mamamayan ng Sorsogon.

 

Tutulan ang mapanlinlang na programang PAMANA!

 

Labanan at biguin ang Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s