PAGLILINAW NG NDF-BICOL HINGGIL SA NADAMAY NA ISANG BATA SA LABANAN NG BHB AT 49TH IB SA CASIGURAN, SORSOGON

Labis na ikinalulungkot ng National Democratic Front-BiCol ang pagkamatay ng isang 8-taong gulang na bata sa isang labanan ng BHB at 49th IBPA sa Brgy. San Pascual, Casiguran, Sorsogon nitong Abril 3 ng hapon. Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa insedente ang Celso Minguez Command ng BHB-Sorsogon at nakahanda itong tumulong sa pamilya ni Rose Ann Gubat.

Kinukundena ng NDF-Bicol ang militarisasyon at pasistang pag-atake ng 49th IB at 9th Infantry Division sa mga populasyong sibilyan sa mga barangay ng Casiguran na nagresulta sa labanan at pagkamatay ni Rose Ann. Sa nakarating sa NDF-Bicol, nagsimula pa noong Nobyembre 2010 ang malupit na special operations team(SOT) sa Brgy. San Pascual at sa iba pang lugar at ginagawang baraks ng militar ang barangay hall at ang mga bahay ng sibilyan na tahasang labag sa CARHRIHL at internasyunal na mga batas sa digma.Kinukundena rin ng NDF-Bicol ang disimpormasyong ikinakalat ng 9th ID upang palitawing isang “humanitarian mission” sa ilalim ng Oplan Bayanihan, ang sa katunaya’y maragas na kontra-rebolusyonaryong kampanya ng pag-atake sa sibilyang populasyon ng Sorsogon.

Dapat labanan at palayasin ng mamamayan ang malupit na mga tim ng SOT sa kanilang lugar, tutulan ang pagtatayo ng mga kampo sa gitna ng sibilyang populasyon, at kundenahin ang paggamit sa kanila bilang trenera at pananggvalang ng militar.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s