Batang Babae, Biktima ng Oplan Bayanihan Sa Masbate

National Democratic Front- Bicol

Mariing kinokondena National Democratic Front- Bicol ang walang pakundangang pamamaril ng mga tropa ng 9th infantry battalion at 9th infantry division sa bahay ng sibilyang si Balodoy Amaro nitong Marso 10 alas-8 ng umaga sa Sityo Balinsasayaw, Brgy. Sta. Fe, Mandaon, Masbate. Nasugatan sa balikat ang batang babae na anak ni Amaro. Namatay din ang alagang baboy ng pamilya. Kinokondena rin ng National Democratic Front- Bicol ang paglulubid ng buhangin ng 9th ID upang palitawing naipit sa engkwentro ng BHB at Militar ang pamilyang Amaro. Sa katunayan ay tinamaan ng bala ang batang babae sa unang bagso ng mga putok mula sa mga militar at hindi sa pagpapalitan ng putok ng BHB at militar. Nakagawian na ng 9th ID na maglubid ng mga kasinungalingan upang pagtakpan ang madugong rekord nito ng pandarahas sa mamamayan. Ang pagturing sa mga sibilyan bilang “collateral damage” ay bahagi ng taktikang teror na ginagamit ng AFP laban sa sibilyang populasyon at lansakang paglabag sa Comprehenssive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL. Ito ang kongkretong epekto sa mamamayan ng pagpapatupad ng AFP ng pasista at mapanlinlang na kampanyang Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino.

Ka Greg Banares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s