Pinarusahan ang Dalawang Miyembro Ng Pusakal na Hold-up Gang Na Pinamumunuan ng 2nd IB-PA sa Albay

Santos Binamera Command

Bagong Hukbong Bayan

Lalawigan ng Albay

Pahayag sa Midya

Marso 1, 2011

PINARUSAHAN NG KAMATAYAN ANG DALAWANG MIYEMBRO NG PUSAKAL NA HOLD-UP GANG NA PINAMUMUNUAN NG 2ND IB-PA SA TAPLACON DETACHMENT, CAMALIG, ALBAY

Ipinatupad ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Santos Binamera Command ang hatol ng Hukumang Bayan na kamatayan kina Jeffrey Nerveza ng Brgy. Del Rosario, Camalig, Albay at Sandy Lozano ng Brgy. Maninila, Camalig, Albay noong Pebrero 28 ng kasalukuyang taon.

Batay sa mga isinampang reklamo ng mamamayan at sa masusing pagsusuri at pagsisiyasat ng Hukumang Bayan, napatunayang nagkasala sa malulubhang krimen at kontra-rebolusyonaryong aktibidad sina Nerveza, Lozano at iba pang myembro ng grupo nitong hindi pa nahuhuli. Si Nerveza at Lozano ay aktibong kalahok sa serye ng mga krimen na isinagawa ng Hold-up Gang na binuo at pinamumunuan ng 2nd IB ng Philippine Army na nakabase sa Brgy. Taplacon, Camalig, Albay. Ilan lamang sa mga krimeng kalahok sila ang sumusunod:

1. Pag-holdap sa bahay ni Anselma Murillo sa Brgy. Del Rosario, Camalig at paggahasa pa sa anak nitong si Emelita Murillo-Cañaveral noong Disyembre 28, 2010.

2. Pagpatay sa Barangay Tanod na si Danny Balala ng Brgy. Panoypoy, Camalig noong Pebrero 11, 2011.

3. Pag-holdap sa bahay ni Kgwd. Lourdes Lotino sa Brgy. Panoypoy, Camalig noong Oktubre 16, 2010

4. Nabigong pag-holdap kay Isidro Murillo sa Brgy. Panoypoy, Camalig noong Pebrero 7, 2011

(Si Balala ay pinatay ng grupo dahil sa dudang pagbubunyag sa plano kaya nabigo ang planong pagholdap kay Isidro Murillo. Si Domingo Barotea ng Brgy. Panoypoy, Camalig na sumuko at umako sa pagpatay kay Balala ay inosente sa krimen. Sumuko at umamin lamang si Barotea sa kaso dahil sa utos at pananakot ng mga tropa ng AFP.)

Ang kanilang grupo ay kinabibilangan ng tatlong (3) miyembro ng barangay intelligence network (BIN) mula sa magkakalapit na baryo at limang (5) regular na miyembro ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa detachment sa Brgy. Taplacon, Camalig na pinamumunuan ng isang Sgt. Castillo. Pangunahing target ng grupo ang mga pinaghihinalaan ng AFP na mga panggitnang pwersang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan.

Nagsimulang maging myembro ng Hold-up Gang sina Nerveza at Lozano nang marekluta sila bilang BIN ng mga elemento ng 2nd IB PA noong maglunsad ng RSOT sa kanilang baryo. Ang tatlo (3) sa miyembro ng Philippine Army na nagpapakilala bilang “To”, “Dong” at “Jo” ang handler, pinuno at taga-suplay ng baril kapag aatake sa target. Pinangakuan ang tatlong BIN na papartihan sila ng nakulimbat at awtomatikong gagawing CAFGU kapag nagkabukingan.

Ang ganitong operasyon ng mga panghoholdap sa bayan ng Camalig, Albay ay walang pinagkaiba sa mga panghoholdap sa iba pang lugar sa Kabikolan. Ang mga pusakal na grupong ito ay hawak at nasa kontrol ng AFP at ginagamit para sa kumbinasyong layuning maghasik ng lagim sa mga sonang gerilya para palitawing hindi kayang proteksyunan ng rebolusyonaryong kilusan ang mga mamamayan, kumita ng pera ang mga upisyal ng militar, at lumikha ng mga krimeng maaaring ibintang sa NPA. Bahagi ang ganitong mga tipo ng sikolohikal na operasyon sa balangkas ng bagong kampanyang Oplan Bayanihan ng AFP.

Nananawagan ang Santos Binamera Command ng Bagong Hukbong Bayan sa Albay na maging mapagbantay tayo sa kilos ng mga tropa ng AFP sa ating lugar dahil sila mismo ang naghahasik ng lagim sa mamamayan. Nananawagan din kami na sama-sama tayong kumilos para palayasin ang pusakal na 2nd IB PA na nakabase sa Brgy. Taplacon, Camalig para magkaroon ng katahimikan sa lugar. Nananawagan din kami sa mga magulang na paiwasin ang kanilang mga anak at kapamilya sa pakikipagbarkada sa mga militar dahil itutulak lamang sila nito sa kriminalidad. Gayundin, nagpapasalamat ang SBC-BHB sa mamamayan sa patuloy na pagsuporta sa rebolusyon.

Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!

FLORANTE OROBIA

Tagapasalita

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s