Estrellado, bagong biktima ng EJK sa bikol

National Democratic Front of the Philippines
Bicol Region

SMS Payahag
Pebrero 28, 2011
Reference: Mobile Number +639283893909

Nagkakabuhol-buhol ang paliwanag ni Maj. Harold Cabunoc ng 9th Infantry Division kung papaano pagtatakpan ang pagdukot at pagpatay ng mga pasistang militar sa sibilyang si Rodel/Elmer Estrellado ng Barangay 3, Malilipot Albay noong Pebrero 25. Pilit na isinakay sa isang sasakyan si Estrellado bandang alas-9 ng umaga at natagpuan ang bangkay nito sa Buluang, Bato, Camarines Sur noong araw ding iyon.

Pilit pinalilitaw sa pagsisinungaling ni Maj. Cabunoc na isa umanong mataas na lider ng BHB si Estrellado na napatay sa isang engkwentro ng 42nd IB at BHB sa Buluang, Bato, Camarines Sur noong Pebrero 25 bandang alas-6:30 ng umaga. Taliwas ito sa pagpapatunay ng kapamilya at kababaryo ni Estrellado na ito ay isang sibilyan na dinukot ng militar bandang alas-9 ng umaga ng kaparehong araw sa Malilipot, Albay.

Isa pang kasinungalingan ang pinalilitaw ni Maj. Cabunoc na itinuro umano ni Estrellado ang isang nadakip na kasapi ng BHB sa Camarines Sur. Hindi malilinlang ang mamamayan ng madugong intriga at pansasaywar ng AFP at patuloy na ilalantad at lalabanan ang bagong kontra-rebolusyonaryong kampanyang Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita
NDF Bicol

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s