Mga Aktibong CAFGU at Sundalo ng 9th ID ang Sangkot sa Panghoholdap, Pagkidnap at Iba Pang Krimen sa Camarines Sur

National Democratic Front                                                                                                                       Bicol Region

SMS Pahayag

Pebrero 13, 2011

Pinagtatakpan ng 9th Infantry Division ang criminal na mga aktibidad ng isang grupo ng mga aktibong miyembro ng CAFGU at sundalo na nasa likod ng serye ng mga panghoholdap, pagkidnap at iba pang krimen sa ikalawang distrito ng Camarines Sur at Naga City at ginagamit ito sa maruming saywar laban sa kilusan. Nagpapanggap ang grupong ito na mga kasapi ng BHB at malisyosong ginagamit ang pangalan ng Romulo Jallores Command at ng isang “Ka Mike” upang mangikil at mangulimbat ng pera sa mga biktimang negosyante, kontraktor, engineer at iba pang institusyon.

Humihingi ito ng pera sa kanilang biktima sa pamamagitan ng sulat at tinatakot ang binabantaan na papatayin o susunugin ang mga kagamitan kung hindi susunod sa kanilang kagustuhan. Ilan sa mga naging biktima nito ay ang mga negosyante sa Libmanan, Pamplona, Pasacao at San Fernando at ilang kontraktor sa Naga City. Kinidnap ng grupong ito ang isang engineer ng DPWH noong Setyembre 2010at pinakawalan lamang matapos magbayad ng halagang P 350, 000.

Kabilang sa grupong ito si Reynante L. Lagata alyas “Boris Payat” (taga-Abuyog, Sorsogon City) na isang dating kasapi ng BHB na nagtaksil at bumaliktad at ngayon ay aktibong kasapi ng CAFGU. Hindi maaaring ipagkaila ng 9th ID itong si Lagata dahil isa ito sa mga umano’y testigo ng 9th ID sa gawa-gawang krimen na isinampa laban saw along mga militanteng lider noong nakaraang taon.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

Reference: Maki Oliveros, Media Officer. Mobile Number: 0918.3458061

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s