NDF Kinukundena ang Sunod-sunod na Pamamaslang sa mga Inosenteng Sibilyan sa Albay

National Democratic Front of the Philippines
Bicol Region
Pahayag sa Media

9 Disyembre 2010

Kinukundena ng National Democratic Front sa pinakamariing paraan ang sunud-sunod na pamamaslang ng mga inosenteng sibilyan sa Albay at Legazpi City habang nalalapit ang taunang paggunita ng International Human Rights Day sa Disyembre 10. Nasa likod ng mga pamamaslang ang mga kasapi ng Military Intelligence Company (MICO) sa ilalim ng 2nd IBPA at 901st Brigade ng Philippine Army na nagsisilbing “death squad” ng rehimen.

Kabilang sa mga biktima ng “death squad” sina:

– Neri Llena Jr. na pinaslang sa Sityo Pinaric, Brgy. Lomacao, Guinobatan nitong Disyembre 6 alas-8 ng gabi

– Gilbert Peralta na pinaslang sa Brgy. Talahib, Daraga nitong Disyembre 4

– ang tanod na si Fernando Candia ng Brgy. Taysan, Legazpi City na pinaslang nitong Disyembre 3 ng hapon

– ang chief tanod ng Brgy. Taysan, Legazpi City na si Ernesto Maniago na pinaslang noong Nobyembre 23

– si Alma Pincaro na binaril noong Nobyembre 13 sa Brgy. Oma-oma, Ligao City

Ang mga biktimang ito ay inaakusahan ng militar na mga “poste” at kasapi umano ng Bagong Hukbong Bayan at biktima ng malupit at madugong kampanyang militar na Oplan Bantay Laya. Higit na nagiging desperado ang 9th IDPA at 901st Brigade habang nalalapit ang pagtatapos ng  nabigong Oplan Bantay Laya sa Enero 2011 kung kaya’t lalong pinaiigting nito ang terorismo laban sa mamamayan.

Gregorio “Ka Greg” Bañares
Tagapagsalita ng NDF-Bicol

email:    greg_banares@yahoo.com/
gb_ndfbicol@yahoo.com

websites: http://www.ndfbicol.wordpress.com
http://www.twitter.com/ndfbicol

facebook account: greg banares

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s