49th IBPA Patraydor na Inatake ang Medical Mission ng NPA

National Democratic Front of the Philippines
Bicol Region
Pahayag sa Media

8 Disyembre 2010

Nitong Disyembre 7 bandang alas-5:30 ng umaga, patraydor na inatake ng mga tropa ng Bravo company ng 49th IBPA ang isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Brgy. San Isidro, Barcelona, Sorsogon. Ayon sa Celso Minguez Command, ang nasabing mga pulang mandirigma ay bahagi ng isang grupo na nagsasaayos ng mga isinasagawang Klinikang Bayan ng BHB upang matulungan ang pangangailangan medikal ng mamamayan sa Barcelona, Casiguran, Bulusan at Irosin na apektado ng pagbuga ng abo ng bulkan.

Ginawa ng militar ang di makataong pag-atake sa mga pulang mandirigma kahit may idineklarang pagtigil ng mga opensiba ng BHB laban sa AFP-PNP-CAFGU. Upang bigyan daan ang isinasagawang evacuation, relief at medical mission at iba pang aktibidad sa paligid ng Bulkang Bulusan. Namatay ang dalawang pulang mandirigma at nahuli ang 3 pang iba na ang dalawa dito ay malubha ng tinamong mga sugat.

Dapat mariing kundinahin ang pag atakeng ito ng mga tropa ng 49th IBPA at 9th Infantry Division na isang porma ng karuwagan. Di makatao at malupit na itinaon ilang araw bago ang paggunita ng International Human Rights Day sa Disyembre 10 inilantad mismo ng sarili nilang aksyon ang mga panlilinlang at pagpapanggap ng mga opisyal ng 9th ID.

Gregorio “Ka Greg” Bañares
Tagapagsalita ng NDF-Bicol

email:    greg_banares@yahoo.com/
gb_ndfbicol@yahoo.com

websites: http://www.ndfbicol.wordpress.com
http://www.twitter.com/ndfbicol

facebook account: greg banares

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s