Katarungan para sa mga Biktima ng Maguindanao Massacre atbp. Biktima ng Paglabag sa Karapatang Pantao

SMS Pahayag

Mahigpit na nakikiisa ang buong rebolusyunaryong pwersa ng Bikol sa mga kagawad ng media at sambayanang Pilipino sa paggunita ngayong araw ng Maguindanao Massacre. Kinukundena ng mga rebolusyunaryong pwersa ang patuloy na pagkakait ng katarungan sa 58 na biktima kabilang ang 32 na kagawad ng media na pinaslang sa Maguindanao noong Nobyembre 23 ng nakaraang taon.

Hindi lamang ang mga biktima ng Maguindanao Massacre ang patuloy na pinagkakaitan ng katarungan kundi ang mahigit sa isanlibong biktima ng extra-judicial killings ng dating rehimen at ang panibagong 22 biktima ng pamamaslang sa ilalim ng kasalukuyang rehimeng US-Aquino at ang dumaraming bilang ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao na kagagawan ng mga pwersa ng estado.

Walang paninindigan ang kasalukuyang rehimen na wakasan ang mga pamamaslang at paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan, parusahan ang mga kriminal at notoryosong lumalabag ng karapatang pantao at bigyan ng katarungan ang lahat ng biktima. Lalong higit na kailangang magkaisa ng mamamayan at ang mga kagawad ng media upang puspusang ilantad ang bawat krimen ng estado at sama-samang igiit ang pagkakamit ng katarungan para sa lahat na biktima ng estado.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s