Maj. Cabunoc ng 9th IDPA Nagsisinungaling Upang Pagtakpan ang Isinagawang Atakeng Militar sa Sorsogon

Oktubre 20, 2010
SMS Pahayag

Naglulubid ng kasinungalingan ang tagapagsalita ng 9th IDPA upang pagtakpan ang pinakahuling kaso ng paglabag sa internasyunal na batas ng digma nang madamay ang isang 10 taong gulang na bata sa pag-atake ng 49th IB sa Sta. Lourdez, Barcelona, Sorsogon kniang alas-6:30 ng umaga, Oktubre 20.

Inuulit-ulit lamang ni Maj. Cabunoc ang luma at gasgas na linyang tinatakot umano ng NPA ang mamamayan sa lugar upang bumoto sa isang partikular na kandidato. Lahat ng ito ay bahagi ng maruming psy-war at paninira ng 9th IDPA sa rebolusyunaryong kilusan upang gawing sangkalan sa pag-atake sa mamamayan.

Nasugatan sa paa si Emmanual Enano Jr., 10 taong gulang at nalagay sa panganib ang buhay ng maraming sibilyan sa bahay na inatake ng militar. Namatay din si Eleuterio “Ka Jun” Mangampo sa pag-atakeng ginawa ng militar at nakaligtas ang isa pang pulang mandirigma.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s