Engkwentro ng NPA at Militar sa Bacon ayon kay Maj. Cabunoc – Isang Kasinungalingan

Oktubre 13, 2010
SMS Pahayag

Walang nangyaring engkwentro sa pagitan ng NPA at militar sa Bgy. Jamislagan, Bacon, Sorsogon nitong Okt. 13, alas-3 umano ng umaga tulad ng nilubid na balita ng tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Phil. Army. Isang pakulo lamang ito ng special operations team (SOT) ng 49th IBPA na nakabase sa lugar dahil walang yunit ng NPA sa lugar at sila-sila lamang ang naroroon.

Katawa-tawa rin at di kapani-paniwala ang paratang ni Maj. Harold Cabunoc na pinipilit umano ng NPA ang mamamayan na iboto ang isang kandidato sa baryo. Hindi pa nga tapos ang filing of Certificate of Candidacy at hindi pa pinal ang listahan ng mga kandidato at matagal pa ang araw ng itinakdang kampanya ng mga ito.

Gumagawa lamang ng pekeng balita si Maj. Harold Cabunoc bilang bahagi ng psy-war operations upang ilihis ang atensyon ng publiko at pagtakpan ang pagkakasangkot ng 2nd IBPA sa karumaldumal na pagmasaker ng pamilyang Lotino sa Bgy. Nabas-an, Daraga, Albay.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s