9th IDPA Naghuhugas Kamay sa Ginawang Pagmamasaker ng 2nd IB SOT sa Pamilya Lotino

Oktubre 13, 2010
SMS Pahayag

Kasuklam-suklam ang maruming psy-war na iwinawasiwas ng 9th Infantry Division ng Phil. Army kaugnay ng pagmasaker ng tatlong miyembro ng pamilya Lotino nitong Okt. 11 ng madaling araw sa Bgy. Nabas-an, Daraga, Albay. Nagpanggap itong inosente sa masaker habang garapal na inaakusahan ang NPA sa krimen kahit walang batayan at taliwas sa pahayag ng mga mamamayan sa lugar na itinuturo ang militar na suspek sa malagim na krimen.

Ang Special Operations Team (SOT) ng 2nd IBPA na nakabase sa San Ramon, Daraga, Albay ang may mabigat na motibo, tauhan at rekurso upang patayin si Kgd. Wilfredo Lotino at kanyang pamilya. Matagal nang hinaharass ng SOT si Kgd. Lotino. Pinararatangan itong poste ng NPA at pilit itong pinasusuko. Ang mga puwersa din ng SOT ang pinakamalapit sa lugar ngunit hindi man lang rumesponde sa insidente.

Umaabot na sa 11 sibilyan ang pinaslang at 4 ang nasugatan sa dalawang kaso ng pagmamasaker, tatlong pagdukot at pagpapahirap, at dalawang kaso ng pamamaril ng militar mula Enero hanggang sa kasalukuyan sa isang probinsya lamang. Lahat ito’y kagagawan ng SOT na pinamumunuan ng isang Lt. Basibas ng 2nd IBPA sa ikalawa at ikatlong distrito ng Albay.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s