9th IDPA Salarin sa Pag-Masaker ng Isang Pamilya sa Daraga, Albay

Oktubre 11, 2010
SMS Pahayag

Dapat papanagutin ang 9th Infantry Division ng Phil. Army sa Kabikulan dahil sa karumaldumal na pagmasaker ng mga tauhan nito sa isang pamilya sa Bgy. Nabas-an, Daraga, Albay nitong Oktubre 11, alas-2 ng madaling araw.

Namatay sa tama ng bala si Kgd. Wilfredo Lotino, asawang Evelyn, pamangkin na si Anjo Martos, at sugatan ang anak na si Jenny Lotino. Natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay ng biglang pasukin ng mga sundalo at walang awang pinagbabaril. Isang desperadong hakbang at pagyurak sa internasyunal na batas ng digma ang ginawa ng berdugong militar upang makaganti sa pagsasalakay na ginawa ng NPA sa temporary patrol base ng 2nd IBPA sa Bgy. San Ramon, Daraga nuong Oktubre 10 ng gabi.

Taimtim na nakikiramay ang rebolusyunaryong kilusan sa mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya Lotino. Tinitiyak nito na pagbabayarin ng mahal ang mga berdugong 9th IDPA at ang rehimeng US-Aquino sa kanilang mga krimen sa bayan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s