1 Sibilyan Namatay at 4 Nasugatan Dahil sa Atakeng Militar ng 9th IDPA sa Bula, Cam. Sur

13 Setyembre 2010

SMS Pahayag

Dapat nang itigil ng 9th Infantry Division ang pagpapanggap na “makatao” dahil malayung malayo sa reyalidad ang kanilang sinasabi. Pinakahuling krimen ng 9th IDPA ang pagkamatay ng isang sibilyan at pagkakasugat ng apat na mag-aama sa pag-atakeng ginawa ng militar sa Sitio Culpa, Bgy. Lubgan, Bula, Camarines Sur nitong Setyembre 12, dakong alas-7 ng gabi.

Namatay ang sibilyang si Roderick Ballebar, binata, habang sugatan ang mag-aamang sina Francisco Bergado (may tama sa braso), asawang si Amelita (may tama sa kamay at paa), mga anak na dalagang sina Rose (may tama sa siko), at Margio (may tama sa likod) nang paulanan ng bala ng mga sundalo ang kanilang bahay.

Muling pinatunayan ng AFP na ito ang berdugo ng mamamayan at walang kinikilalang internasyunal na batas ng digma at makataong batas taliwas sa pagpopostura ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan na “igagalang” umano ang karapatang pantao.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s