Pagmasaker sa Apat na Magsasaka sa Mobo, Masbate: Ipinagyabang ng 9th IDPA

9 Setyembre 2010

SMS Pahayag

Pagmasaker  sa Apat na Magsasaka sa Mobo, Masbate

Mariing kinukundena ng National Democratic Front ang karumaldumal na pagmasaker sa apat na magsasaka sa Bgy. Sta. Maria, Mobo, Masbate nitong Setyembre 7 dakong alas-12:30 ng hapon. Buong yabang na ipinangalandakan ng mga upisyal ng 9th Infantry Division na mga kasapi umano ng Bagong Hukbong Bayan ang apat na biktima at pinapurihan pa ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan ang kanyang mga pasistang tauhan.

Nakilala ang mga biktima na sina Vicente Flores – 41 taong gulang, Richard Oliva – 44 taong gulang, Melecio Monacelio – 45 taong gulang, at anak nitong si Jonathan Monacelio, 21 taong gulang na estudyante ng Sta. Maria High School. Nagpapahinga ang mga biktima mula sa pangangaso ng pagbabarilin ng mga tropa ng 9th Infantry Batallion.

Isang paglabag sa internasyunal na mga batas ng digma at karapatang pantao ang ginawang pamamaril ng mga sundalo ng 9th IB sa walang kalaban-labang mga biktima habang natutulog ang mga ito makaraang pasukin ng mga sundalo ang bahay na pinagpapahingahan ng apat. Nakita pa ng mga testigo kung paano nahuling buhay ang sugatang si Richard Oliva nang makatalon ito sa bintana ngunit pinatay din ng mga sundalo makalipas ang ilang saglit.

Nahubaran ng pangyayaring ito ang maskara ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan na nagpahayag ilang araw pa lamang ang nakararaan na igagalang umano ng kanyang mga tauhan ang karapatang pantao ng mamamayan. Isa pa itong patunay ng brutalidad at kalupitan ng militaristang kampanyang Oplan Bantay Laya na mas piniling palawigin ng rehimeng US-Aquino sa halip na isulong ang negosasyong pangkapayapaan sa NDFP.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s