Walang Kwentang Intel Report ng PNP-Camarines Sur: Kaguluhan sa CASURECO II

1 Setyembre 2010

SMS Pahayag

Walang Kwentang Intel Report  ng PNP-Camarines Sur:
Paghahasik ng Kaguluhan sa CASURECO II

Mahigpit na pinabubulaanan ng National Democratic Front – Bicol ang walang kwentang intelligence report ng PNP Provincial Director ng Camarines Sur na nag-aakusa sa “militanteng armadong grupo ng NDF” na umano’y sasamantalahin ang kaguluhan sa Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO II) para maghasik ng kaguluhan at isulong ang pampulitikang adyenda nito.

Kinikilala at itinataguyod ng NDF ang karapatan ng mga empleyado ng CASURECO II at ng mamamayan na mag-organisa at igiit ang maayos, mura at tunay na serbisyo mula sa nagbabangayang mga paksyon ng manedsment ng huwad na kooperatiba, ngunit hindi tuwirang lalahok ang NDF o ang BHB sa ligal at militanteng mga pagkilos ng mamamayan.

Isang malaking kalokohan at maruming taktika ng saywar ang pahayag ni Col. Jonathan Ablang na pasasabugin ng BHB ang mga linya ng kuryente, kukumpiskahin ang mga radyo, motorsiklo at iba pang kagamitan ng mga empleyado ng CASURECO II kapag ipinatupad ng manedsment ang patakaran ng pagputol ng serbisyo sa mga hindi nakakabayad ng kanilang konsumo. Pinapaboran nito ang interes ng ilan upang maantala ang eleksyon sa board of directors ng kooperatiba.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s