Gawa-Gawang Kwento ng Engkwentro sa Ligao City sa Albay

1 Setyembre 2010

SMS Pahayag

Gawa-Gawang Kwento ng Engkwentro sa Ligao City sa Albay:
Mga Lasing na Elemento ng 22nd IBPA at CAFGU ang Nagpaputok sa Pistahan

Isang napakalaking kasinungalingan ang ipinangangalandakan ng tagapagsalita ng 9th Infantry Division na namatay ang isang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at nakumpiska ng militar ang isang ripleng M16 sa isang umano’y engkwentro nitong Setyembre 1, alas-2 ng madaling araw sa Sityo Baligang, Bgy. Pinamaniquian, Ligao City.

Walang yunit ng BHB na nakipista sa lugar, nanghingi ng pagkain at naengkwentro ng 2nd IB dahil ang lugar ay may nakatayong detatsment ng 22nd IB at mga CAFGU. Tanging mga lasing na sundalo at CAFGU ang naroroon na nagwala at nagpaputok ng kanilang mga baril na ikinatakot ng mga sibilyan sa lugar.

Pinagtatakpan lamang ni Maj. Harold Cabunoc ang pasaway na mga sundalo at CAFGU upang maligtas sa kahihiyan ang 9th Infantry Division na nasasangkot ang mga tauhan sa mga kaso ng panghoholdap at pagpaslang sa Daraga at Legazpi City, at iba pang-aabuso ng mga sibilyan at paglabag sa karapatang pantao.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s