SOT ng 49th IBPA, Inambus sa Sorsogon

Ulat mula sa Celso Minguez Command
Sorsogon

24 Agosto 2010

Matagumpay ang isinagawang ambus ng Bagong Hukbong Bayan laban sa special operations team (SOT) ng 49th IBPA sa Bgy Sangat, Gubat, Sorsogon nitong Agosto 22, bandang alas-5 ng hapon. Namatay si Pfc Jason A. Cerdon at malubhang nasugatan si Pfc Edwin Baraga.

Sangkot sa napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang mga SOT ng 49th IBPA sa mamamayan ng mga barangay ng Sangat, Union, Cabigaan,Lapinig, Manapao, Carriedo, Dita, Payawin, Tagaytay, Bagacay at Cabiguan, lahat sa bayan ng Gubat, Sorsogon. Tinatakot, hinaharas at pinipilit ng mga sundalo ang mamamayan na sumapi sa Barangay Defense System.

Armado at nanlaban ang dalawang sundalo nang tambangan ng BHB. Nakumpiska sa namatay na sundalo ang isang kalibre .45 baril at mga bala habang naitakas ng isa pang sugatang sundalo ang baril nito.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s