Desperadong Pagtatakip ng PNP sa Utak ng Pamamaslang sa Taga-Media na si Mike Belen

SMS Pahayag
3 Agosto 2010

Desperadong Pagtatakip ng PNP sa  Utak ng Pamamaslang sa Taga-Media  na si Mike Belen

Katawatawa ang biglang pagpihit ng imbestigasyon ng PNP sa gitna ng kabiguan at desperasyon nitong arestuhin upang malitis at maparusahan ang mga salarin at utak sa pagpaslang kay Mike Belen. Inililihis ng PNP ang imbestigasyon upang isisi sa Bagong Hukbong Bayan ang krimen sa pamamagitan ng gawa-gawang testimonya at walang batayang akusasyon na isang Gina Bagacena alyas Liezel ang bumaril kay Belen na ganap na bumabalewala sa naunang testimonya ni Belen sa isang abugado at ng iba pang testigo.

Walang patutunguhan ang imbestigasyon ng PNP. Garapal itong nakikipagsabwatan sa tunay na utak ng pamamaslang kay Belen upang ipagkait ang katarungan sa pamilya, kaibigan at kasamahan ni Belen sa media, at pagtakpan ang isang malaking pulitiko sa probinsya na pinaniniwalaan ng marami na may mabigat na dahilan at motibo upang ipapatay si Belen, at may rekurso at bayarang mga tauhan upang isagawa ito.

Ganito rin kainutil ang PNP sa paglutas ng kaso ng isa pang mamamahayag na si Anjo Julia na pinaslang noong Agosto 2008. Malinaw at malaki ang pananagutan ng PNP sa pagpapatindi ng kultura ng karahasan laban sa mga mabubuting taong bumabatikos at naglalantad sa kabulukan ng estado at lipunan kung saan buong layang nagagawa ng mga death squad ng estado at pribadong hukbo ang krimen nang walang pangambang maparusahan sa kanilang ginawa.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s