Panununog sa El Dore, Hindi Kagagawan ng BHB

SMS Pahayag
26 Hunyo 2010

Isa na namang kasinungalingan at paninira sa Bagong Hukbong Bayan ang pahayag ng 9th Infantry Division ng AFP na sinunog ng BHB ang administration building ng El Dore Mining Corp. sa Bgy. Domagmang, Labo, Camarines Norte nitong Hunyo 23 ng madaling araw. Mga aburidong sundalo ng 31st IBPA na dating nagbabantay ng minahan ang sumunog sa ginamit nilang mga kubo bago lumisan sa lugar noong Hunyo 16.

Nilayasan ng mga sundalo ang pagbabantay ng minahan nang tumangging magbayad ang kumpanyang El Dore sa hinihinging 30 milyong piso ng bagong halal na mga upisyal ng lokal na gubyerno at hindi na rin sila sinasahuran ng Eldore. Tinanggal naman ng mamamayan ang luma at di na ginagamit na mga yero sa administration building upang gamiting pambubong ngunit hindi sinunog ang gusali.

Walang katapusan ang paglulubid ng kasinungalingan ni Maj. Cabunoc upang todo-todong siraan ang BHB sa publiko at pagtakpan ang mersenaryong katangian ng AFP na naglilingkod bilang bayarang pribadong hukbo ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina, malalaking kontraktor at iba pang malaking negosyo sa bansa.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s