Karahasan ng 9th IBPA Laban sa mga Sibilyan sa Masbate

9 Hunyo 2010
SMS Pahayag sa Media
Karahasan ng 9th IBPA Laban sa mga Sibilyan sa Masbate

Isa pang matagumpay na operasyong dis-arma ang isinagawa ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate sa Bgy. Dangpanan, Placer at Bgy. Tobog, Cawayan bandang alas-3 ng hapon nitong Hunyo 8. Kinumpiska mula kay Negro Tirol, Samuel Rodrigo, Dante Danio at Dodo Diaz ang 2 kalibre .45, 2 kalibre .38 at isang kalibre .357 na mga baril na ginagamit sa pananakot sa mga sibilyan.
Samantala, mariing kinundena ng JRC-Masbate ang ginawang pagpapahirap at pagpaslang ng mga sundalo ng 9th IBPA sa mga sibilyang sina Jolito Etang at Borromeo Cabiles. Dinukot ang dalawa ng mga sundalong nagpanggap na mga pulang mandirigma noong Hunyo 1 sa Sityo Canela, Bgy. Baang, Mobo at nakuha ang mga bangkay nitong Hunyo 3 ng hapon.
Nakagapos pa ang mga bangkay nang makuha, walang anumang tama ng bala o patalim pero bali ang mga buto at basag ang mga bayag na palatandaan ng tinamong matinding tortyur. Nagsabit pa ng karatula ang mga sundalo upang palitawing BHB ang gumawa ngunit hindi ito pinaniwalaan ng mga tao at kapamilya ng mga biktima.

Reference:Maki Oliveros,Media Officer
Mobile Number: 09398058980

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s