Sagot sa Maruming Psywar ng 9th IDPA, na Naglalayong Maliitin ang mga Tagumpay ng BHB

1 Hunyo 2010

Sagot sa Maruming Psywar ng 9th IDPA, na Naglalayong Maliitin ang mga Tagumpay ng BHB

Walang tigil sa kadadakdak si Maj. Cabunoc at pilit na pinalilitaw na ang mga matagumpay
na aksyon ng BHB sa mga bayan ng Bula at Presentacion sa Camarines Sur ay pagganti ng BHB sa malaking kapitalistang kontraktor na nasa likod ng Ako Bicol partylist. Pinagtatakpan nito ang reyalidad na lumalakas ang BHB at kayang maglunsad ng mga opensiba sa gitna ng
pagyayabang ng 9th IDPA na nabawasan nito ng 60-70 porsyento ang lakas ng BHB sa rehiyon.

Malisyoso at walang batayan ang akusasyon ng 9th IDPA. Para sa kaalaman ng lahat, ang mga aksyong militar ng BHB sa bayan ng Bula at Presentacion at sa iba pang lugar sa Bikol ay
nakatuon laban sa berdugong AFP, PNP at mga grupong paramilitar upang kumpiskahin ang
kanilang mga armas at parusahan sila sa karumaldumal na mga krimen laban sa mamamayan.

Dapat itigil ng 9th IDPA ang malisyosong pag-uugnay ng mga progresibong partylist sa
PKP-BHB-NDFP at ang todo-todong paninira at pamamaslang sa mga lider at kasapi ng naturang mga grupo. Nanggaling mismo sa bibig ng mga tagapagsalita ng 9th IDPA na ikinampanya at sinuportahan nila ang Ako Bicol at ang Akbayan laban sa mga progresibong partylist ng  mamamayan.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s