Upisyal ng 42nd IBPA at Tatlong Sundalo, Namatay sa Ambus ng BHB sa Camarines Sur

SMS Pahayag sa Media
31 Mayo 2010

Upisyal ng 42nd IBPA at Tatlong Sundalo, Namatay sa Ambus ng BHB sa Camarines Sur

Isang malaking dagok sa berdugong 9th Infantry Division ang matagumpay na ambus ng BHB laban sa mga elemento ng 42nd IBPA sa Sityo Guinubat, Bgy. Becalen, Presentacion, Camarines Sur nitong Mayo 29, dakong alas-9 ng gabi.

Nakumpiska ng mga pulang mandirigma ang tatlong ripleng M16, isang 5.56 mm K3 squad
automatic weapon, mga bala at iba pang kagamitang militar. Nasawi ang upisyal ng 42nd IBPA na si 1Lt. Miguel Logronio at tatlo pang mga sundalo habang sugatan ang tatlo pang iba. Walang kaswalti sa mga pulang mandirigma sa ilalim ng Eduardo Olbara Command.

Ang mga taktikal na opensiba ng BHB sa buong rehiyon ay nararapat na parusa sa pasista at
bulok na rehimeng US-Arroyo sa siyam na taong pagpapahirap nito sa mamamayang Pilipino, mga human rights violation, mga pamamaslang, pagtataksil sa bayan, walang sawang pandarambong at iba pang mga krimen sa bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s