Barangay Intelligence Agent sa Masbate, Pinarusahan ng Jose Rapsing Command ng NPA

SMS Pahayag
May 27, 2010

Pinarusahan ng isang tim ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate ang isang masugid na elemento sa paniktik ng 9th IBPA sa Bgy. Managanaga, Aroroy, Masbate nitong Mayo 24, ng hapon. Kinilala itong si Imelda “Inday” Velasco Madrelejos na kasapi ng tinaguriang “rebel hunter” ng Masbate at aktibo sa pagbubuo ng mga Barangay Intelligence Network (BIN) sa lugar.

Hindi ito karaniwang sibilyan tulad ng nais palitawin ni Maj. Cabunoc at hindi ito pinarusahan dahil sa mababaw na dahilan na kapatid nito ang sundalong si Pfc. Jean Velasco. Sa katunayan, ang magkapatid na Velasco ang pinakamasugid at pinakamarahas na lumalaban sa BHB sa pamilya ng mga Velasco kaya lehitimong target sila ng taktikal na opensiba ng BHB.

Nakumpiska mula kay Inday Madrelejos ang isang kalibre ng .357 na baril at isang cellphone na naglalaman ng kanyang mga kontak at handler sa militar. Dagdag itong ebidensya ng kanyang kontra-rebolusyunaryong aktibidad at makakatulong sa yunit ng BHB upang mabuwag o manyutralisa ang mga asset sa paniktik ng militar sa lugar.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s