CPP-NPA-NDF Sinusugpo ang mga Sindikatong Aktibidad

SMS Pahayag
May 22, 2010

Walang katotohanan ang paratang ni Judge Manuel Contreras ng Naga City na isang aktibong kasapi ng BHB ang isa sa mga suspek na pumatay sa isang Indian national noong Marso 30. Malisyosong iniuugnay ni Judge Contreras at ng NBI ang BHB sa madugong away ng mga sindikatong kriminal ng mga Indian national na pinaniniwalaan ng marami na may kaugnayan sa iligal na droga.

Batid ng lahat na mahigpit na nilalabanan at sinusugpo ng rebolusyunaryong kilusan ang mga sindikatong kriminal na sangkot sa iligal na droga at iba pang anti-sosyal na aktibidad upang protektahan ang mamamayan lalo na ang mga kabataan. Madalas na kasabwat ng sindikato ng droga ang ilang bulok na upisyal ng AFP, PNP at burukrasyang sibil.

Paiimbestigahan ng Romulo Jallores Command ang tunay na pagkatao ni Roniel Rodriguez y Gonzales alyas Tomas/Romnik at ang mga sangkot at utak sa sindikato ng iligal na droga sa rehiyong Bikol. Kapag may sapat na batayan, maaari silang arestuhin ng BHB upang iharap sa paglilitis ng Hukumang Bayan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s