2 CAFGU Patay sa Operasyon ng Edmundo Jacob Command ng NPA-Rinconada

SMS Pahayag
May 21, 2010

Namatay ang dalawang kasapi ng CAFGU sa isang operasyon ng yunit ng Edmundo Jacob Command ng BHB-Rinconada nitong Mayo 20 ng umaga sa Bgy. Sto. Nino, Bula, Camarines Sur. Nasawi sina Estanli Portuges at Edwin Belando na aktibong mga kasapi ng CAFGU na nakadestino sa detatsment ng 22nd IBPA sa Bgy. Del Socorro Minalabac.

Taliwas sa pahayag ni Maj. Cabunoc na hindi armado at naka-off duty ang dalawang CAFGU – naabutan ito ng BHB habang nagbabantay sa mga heavy equipment ng Sunwest Corporation sa barangay na nasabi at nakumpiska sa kanila ang isang .38 na rebolber at isang paltik na pistola na may bala tulad ng sa M16 rifle.

Ipinapatupad din ng BHB ang atas ng Hukumang Bayan na kumpiskahin ang dalawang kagamitan sa konstruksyon ng Sunwest Corp. bilang sanksyon sa di pagrespeto at pagbalewala nito sa mga patakaran ng Demokratikong Gubyernong Bayan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s