Pahayag ukol sa Pambansang Halalan 2010

SMS Pahayag

May 9, 2010

Isang pagyurak at pagsikil sa demokratikong karapatan ng mamamayan sa malayang pagboto ang nangyaring militarisasyon sa maraming lugar sa Kabikulan kung saan gaganapin ang reaksyunaryong eleksyon sa Mayo 10. Ginagamit ng ilang pulitiko ang mga militar at pulis sa pagharas ng mga lider ng kalabang pulitiko, pang – agagaw ng sample ballots at pera at aktibong nangangampanya ang AFP at PNP laban sa mga progresibong kandidato at partylist.

Ang militarisasyon ng eleksyon ay isng susing sangkap ng Oplan RAFAEL (Retain Arroyo thru Failure of Elections) na matagal nang niluluto ng rehimen upang manatili sa poder. Ilan sa sangkap na nakalatag na ay ang pagpalya ng mga PCOS machines dahil sa depektibong mga compact flashcards at teknikal na mga problema, malawakang dayaan at karahasan, at lantad na mga kaguluhan na ibinubunga ng pagpalya ng eleksyon.

Dapag mahigpit na magkaisa ang sambayanang Pilipino upang parusahan at patalsikin ang rehimeng US-Arroyo at hadlangan ang maruming mga pakana nito sa gaganaping eleksyon at pagkatapos nito.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s