Dapat Palalimin ang Imbestigasyon ng Masaker sa Oas, Albay

SMS Pahayag
May 3, 2010

Tulad ng inaasahan ng marami, todo na naman ang pagsisinungaling ng mga upisyal ng 901st Brigade at 2nd IBPA upang pagtakpan ang pagkakasangkot ng kanilang mga tauhan sa masaker sa Bgy. San Miguel, Oas, Albay nitong Abril 29 ng gabi. Inililigaw nila ang imbestigasyon sa pamamagitan ng pananakot sa pamilya ng biktima at upisyal ng barangay upang palitawing isang simpleng away sa lupa ang ugat ng krimen.

Dapat palalimin ang imbestigasyon sa mga sumusunod na mga punto:

1. Bakit nakalusot ang mga suspek sa pamamaril sa gitna ng mahigpit na operasyong militar sa lugar ng araw na iyon.

2. Bakit malayang nakakapaglakad sa kalsada malapit sa sentrong baryo kung saan naroroon ang mga militar ng ilang armado na nagpaputok pa kina Ronaldo at Roderick Adonis habang sakay ng motorsiklo upang isugod sana sa ospital si Rochelle.

3. Bakit hindi inulat ng militar ang paglalagay nila ng baril sa tabi ng bangkay ni Rochelle at pagdideklarang isa itong amazona sa harap mismo ng mga upisyal ng barangay na tumutol at nagpapatunay na isang karaniwang sibilyan si Rochelle.

Dapat maglunsad ng makatotohanang imbestigasyon ang iba’t ibang sektor at hwag itong ipaubaya sa inutil na PNP upang lumitaw ang katotohanan at mapanagot ang berdugong AFP.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s