Masaker sa Oas, Albay Kinukundena ng NDF – Bikol

SMS Pahayag
April 30, 2010

Mariing kinukundena  ng National Democratic Front ang karumaldumal na pagmasaker sa isang pamilya ng mga magsasaka sa Bgy. San Miguel, Oas, Albay nitong Abril 29 ng gabi. Itinuturo ng mga testigo ang berdugong tropa ng 901st Brigade ng militar na gumawa ng di makatao at barbarikong pagpaslang sa walang kalaban-labang mga sibilyan.

Namatay sa tama ng mga bala sina Rochelle Topasi at Ronald Marco habang sugatan ang magkakapatid na sina Rogelio Adonis Jr., Roderick at Ronald nang walang pakundangang pagbabarilin ng mga berdugong militar habang nasa kanilang koprahan. Mistulang asong ulol na nagwawaka ang AFP at ang rehimeng Arroyo habang nalalapit ang pagwawakas ng bigong Oplan Bantay Laya.

Duguan ang mga kamay ng mga opisyal ng 901st Brigade at 9th Infantry Division na tuwirang namumuno at nag-uutos sa mga sundalo na maglunsad ng malupit na operasyong militar na nagriresulta sa maraming kaso ng pananakot, pagdukot, pagtortyur, pamamaslang at pagmamasaker ng mga inosenteng sibilyan. Dapat managot sa Maj. Gen. Pabustan, Col. Salazar, Col. Ayson, Col. Obrero at iba pang upisyal at palayasin ang 901st Brigade sa Albay habang ito’y iniimbestigahan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s