2 patay at 2 sugatan sa 22nd IBPA -Nerissa San Juan Command

SMS Pahayag

Marso 25, 2010

Inambus ng isang platun ng Nerissa San Juan Command BHB-Catanduanes ang isang seksyon ng pasistang 22nd IBPA at CAFGU sa Bgy. Sulong, bayan ng San Miguel nitong Marso 23 ng hapon. Walang kaswalti sa BHB habang dalawang sundalo ang namatay at dalawa ang sugatan sa mahigit 2 oras na labanan na nagsimula bandang alas-12:30 ng hapon.

Tugon ito ng BHB sa matagal ng hinihinging katarungan ng mga biktima ng karumaldumal na krimen ng 22nd IBPA at CAFGU sa Catanduanes partikular ang panghoholdap sa mga pasahero ng isang jeep noong Pebrero 2009 sa Bgy. Katipunan, San Miguel. Walang awang pinatay ang drayber na si Perfecto Mendoza at ginahasa bago pinatay si Salvacion Tatel ng apat na CAFGU at isang sundalo ng 22nd IBPA.

Ang mga bayarang sundalo at CAFGU ay naglilingkod din bilang private army ng Sunwest Corporation ni Zaldy Co na matagal nang inirireklamo ng mamamayan sa lugar dahil sa masamang epekto ng proyekto nito sa pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog na nagsasapanganib sa buhay ng maraming mamamayan sa lugar.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s