Mga Inaresto ng 83rd IB Hindi Kasapi ng BHB

SMS Pahayag
April 18, 2010

Walang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan sa Catanduanes ang naaresto ng pasistang 83rd Infantry Batallion nitong Abril 17, 2010. Nilinaw ng Nerissa San Juan Comman na hindi mga kasapi ng BHB kundi karaniwang mga sibilyan ang mag-asawang George at Analisa Zamudio at Roger Zamudio na inaresto ng militar sa Bgy. Langob, Pandan.

Ang nakuhang isang ripleng M14 ay sira at nabubulok na at matagal nang nakaistak ng BHB. Ginamit itong ebidensya ng militar upang idiin ang tatlong sibilyan at gawing kapanipaniwala ang luma at gasgas na iskrip ng 83rd IB at i Maj. Cabunoc na palitawing mga kasapi ng BHB ang mga sibilyang kanilang iligal na inaresto.

Walang katapusan ang pag-iimbento ng peke at pinalobong mga tagumpay ang 9th Infantry Division laban sa BHB upang pagtakpan ang malaking kabiguan ng Oplan Bantay Laya na durugin o kahit pahinain ang rebolusyunaryong armadong pakikibaka sa rehiyon mula 2001 hanggang bago matapos ang dedlayn nito sa Hunyo 2010.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s