11 ang sugatan at patay sa 83rd IBPA – Nerissa San Juan Command

SMS Pahayag

Marso 18, 2010

Kinumpirma ng Nerissa San Juan Command ng BHB-Catanduanes na umabot sa 11 ang sugatan at patay sa 83rd IBPA nang kubkubin nito ang isang platun ng BHB sa BGy. Buenavista, Caramoran noong Marso 15 ng umaga. Itinago ang mga kaswalti sa likod ng paaralan ng Caramoran at isinakay sa helikopter. Isang pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay.

Maliban sa mga armas na ipinagyabang ng 9th IDPA, tinangay din ng mga sundalo ang 200 thousand pesos na cash na nakalaan sana sa proyekto sa irigasyon ng kooperatiba ng mga magsasaka. Matagal nang gawi ng militar ang pagbulsa ng mga pondo at iba pang personal na gamit na kanilang nasasamsam mula sa BHB.

Walang pakundangang pinagbabaril din ng mga sundalo ang bahay ng sibilyang si Romeo de Quiros na malayo na sa pinangyarihan ng labanan. Ilan lamang ito sa mga katotohanang pilit na itinatago sa publiko ng mga bulok na tagapagsalita at upisyal ng 901st Brigade at 9th IDPA.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email: greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s