Karumal-dumal na Krimen ng Special Operations Team ng 2nd IB at 901st Brigade

SMS Pahayag

Pebrero 8, 2010

Nararapat na kundenahin at palayasin ng mamamayan sa Albay ang berdugong special operations team (SOT) at buong tropa ng 2nd IBPA dahil sa mga karumaldumal na krimen nito sa mamamayan tulad ng mga pagdukot, brutal na pamamaslang, pananakot, pagbabanta at labis na pagpapahirap sa mga magsasaka at karaniwang sibilyan sa lugar.
Kasabwat sa mga krimen at tagapagtakip ng mga krimen ng militar si Maj. Harold Cabunoc at iba pang upisyal ng militar. Kabilang sa karumaldumal na krimen ng 2nd IB ang pagdukot, pagtortyur, at brutal na pagpaslang kay Ananias Cardiente at Vicente Moradillo noong Enero 15. Natagpuan nitong Pebrero 7 ng hapon ang naaagnas ng mga bangkay ng mga biktima sa Bgy. Taplacon, Camalig, Albay.
Nakikiramay ang rebolusyonaryong kilusan sa mga naulilang pamilya ni Cardiente at Moradillo at tinitiyak nitong bibigyan ng rebolusyonaryong hustisya ang pagkamatay ng dalawa at pagbabayarin ang 2nd IB at 901st Bde sa tamang panahon.
Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s