9th ID Nagkakanlong ng mga Kriminal

SMS Pahayag

Pebrero 5, 2010

Isang malaking kabulastugan ang ipinagyayabang ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan na sumuko sa 42nd IB ang dalawang umano’y matataas na upisyal ng BHB sa Bgy. San Francisco, Bula, Camarines Sur nitong Pebrero 4 ng umaga. Isa lang itong propaganda gimik ng 9th IDPA upang may maipakitang resulta ang sa katunaya’y bigong kampanya laban sa CPP-NPA-NDF.
Hindi mga kasapi ng BHB ang magkapatid na sina Jolito “Dandoy” Cañeso at Benjamin “Laki” Cañeso. Sa katunayan, iniimbestigahan ito ng BHB dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay at pagpugot ng ulo kay Tomas Mediado noong Agosto 2008 at kay Chodolo Cuarto noong Oct.4, 2008 sa San Francisco, Bula, Camarines Sur. Ngunit bago pa man ito maaresto ng BHB, tumakas na ito at walang kahihiyang kinukupkop ng militar.
Pilit na iniuugnay ng militar sa BHB ang dalawang kriminal at malisyoso pang ginagamit ang pangalan ng isang Vicente “Ka Andoy” Avocado na isa umanong kumander ng BHB at siya umanong nagturo sa dalawa. Maaaring tanungin ng mga kagawad ng media ang mamamayan ng Bula upang malaman ang tunay na pagkatao ng magkapatid na Cañeso.
Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s