Aksyong Militar sa Catanduanes

SMS Pahayag

Pebrero 2, 2010

Kinumpirma ngayon ng Nerissa San Juan Command ng BHB-Catanduanes ang aksyong militar laban kay Elmer Eusebio sa Bgy. Sta. Cruz, Pandan nitong Pebrero 1 ng hapon. Si Elmer Eusebio ay aktibong kasapi ng Echo Company ng CAFGU sa ilalim ng 22nd IB at masugid na giya sa mga operasyong militar ng AFP at lehitimong target ng mga opensiba ng BHB.
Pinabulaanan ng Nerissa San Juan Command ang kasinungalingang ipinakakalat ni Maj. Harold Cabunoc ng 9th IDPA na binugbog ng mga pulang mandirigma si Eusebio sa harap ng kanyang pamilya bago binaril. Ang BHB ay tumatalima sa mga alituntunin ng digma at di hamak na mas makatao kumpara sa berdugong tropa ng 9th IDPA.
Lahat ng kasinungalingan at pambabaluktot ng impormasyon ay ginagamit ngayon ni Maj. Cabunoc upang todo-todong siraan ang rebolusyonaryong kilusan at ilihis ang pansin ng publiko sa mga krimen ng 9th IDPA lalo na sa pinakahuling kaso ng pagpatay sa sibilyang si Vergel Catubig sa Pio Duran noong Enero 30 at pagdukot sa mga magsasakang sina Ananias Cardiente Jr. at Vicente Moradillo sa Camalig, Albay.
Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s