Kundenahin ang Pagdukot at Pamamaslang sa Inosenteng Sibilyan ng AFP

SMS Pahayag

1 February 2010

Mariing kinukundena ng NDF-Bicol ang sunud-sunod na pagdukot at pamamaslang sa mga inosenteng sibilyan na ginagawa ng 2nd IDPA at 901st Brigade sa probinsya ng Albay. Walang pakundangang binaril at napatay ang sibilyang si Vergel Mapola Catubig ng mga militar sa isang pistahan sa Bgy. Lawinon, Pio Duran, Albay noong Enero 30 ng umaga.

Mga elemento rin ng special operations team (SOT) ng 901st Brigade ang dumukot sa mga magsasakang sina Ananias Cardiente Jr. at Vicente Moradillo noong Enero 15, 2010 sa Bgy. Taplacon, Camalig, Albay. Nawawala pa ang dalawa hanggang sa ngayon. Isa pang sibilyan sa Camalig ang dinukot, ginilitan ng leeg at pinatay at natagpuan ang bangkay sa sakop na ng bayan ng Jovellar.

Ang mga pamamaslang ay bahagi ng taktikang terror at maruming psy-war na sistematikong ginagamit ng 901st Brigade upang maghasik ng takot sa mamamamayan at kasabay ibintang sa BHB ang kanilang karumaldumal na mga krimen.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s