Sunod sunod na mga taktikal na opensiba ngayong Enero

Pahayag sa Media
31 Enero 2010

MGA TAKTIKAL NA OPENSIBA SA BIKOL SA UNANG BUWAN NG 2010

Koordinado at magkakasunod na mga taktikal na opensiba sa buong rehiyon ang pambungad na bigwas ng Bagong Hukbong Bayan sa berdugo at pasistang 9th Infantry Division-PA at PNP sa taong 2010. Sa kabila ng pagyayabang ni Maj.Gen. Ruperto Pabustan na nabawasan nila ng malaki ang pwersa ng BHB noong nakaraang taon ng 2009, nakapaglunsad ang Bagong Hukbong Bayan ng di-bababa sa tatlumpu’t tatlong opensibang aksyong militar at nagkaroon ng apat na depensibang labanan sa buwan lamang ng Enero.

Ang mga opensibang aksyon ng BHB ay kinabibilangan ng isang ambus, isang reyd, limang pamamarusa at dalawampu’t anim na operasyong atritibo sa mga probinsya ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.  Sa kabuuang 37 na labanan (opensiba at depensiba) umabot sa 20 ang kumpirmadong namatay sa mga pasistang tropa at 20 ang sugatan habang mas marami pa ang bilang ng kaswalti sa AFP-PNP at CAFGU na itinago ng militar. Napangalagaan ang kapakanan ng mga sibilyan at walang nadamay sa naturang mga labanan.

Pinakamatingkad at pinakamarami ang aksyong militar sa Masbate, Albay, Camarines Sur at Sorsogon. Matagumpay na inambus sa Albay ang special operations team (SOT) ng 2nd IB sa Bgy. Taplacon, Camalig noong Enero 14 na ikinamatay ng isang Pfc. Michael Sacza. Hinaras at pinaputukan naman ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command-Sorsogon ang mga sundalong sakay ng trak sa Bgy. Palogtok, Irosin noong Enero 15 na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pitong sugatan sa 49th IB.

Sa probinsya ng Masbate, apat na sundalo ng 9th IB ang namatay at sugatan ang anim na iba pa nang pasabugan ng command detonated explosive ang kanilang sinasakyan sa Bgy. Lalaguna, Mobo noong Enero 15. Pagkalipas ng limang araw noong Enero 20, pinasabugan ng isang komando tim ng Jose Rapsing Command ang pader at guard house sa harapan ng kampo ng PNP-RMG at 9th IB sa Bgy. Armenia, Uson na nagresulta sa pagkamatay ng apat na sundalo ng 9th IB na nagbabantay ng mga oras na iyon.

Nakumpiska naman ng Jose Rapsing Command ang dalawang bushmaster na riple at isang shotgun nang ireyd ng isang platun ng BHB ang bahay ng kandidatong si Monching Radan sa Bgy. Taguilid, Claveria, Masbate noong Enero 16.

Matagumpay ding naparusahan ng BHB ang kasapi ng Military Intelligence Group (MIG) na si Joel Mitra noong Enero 27 sa Bgy. Tigbao, Aroroy, Masbate at nakumpiska ang isang Ingram machine pistol, isang kalibre .45 baril, dalawang .38 rebolber, isang shotgun, teleskopyo at daan-daang mga bala.

Tatlo pang mga aktibong impormer ng Military Intelligence Group (MIG) ng AFP ang naparusahan ng BHB sa iba’t ibang lugar sa bayan ng Aroroy at Cawayan, Masbate. Kabilang dito si Toto Ortis na may kaso ng panggagahasa noong Agosto 2009 ng isang 16-taong gulang na estudyante ng Malbog Highschool sa Cawayan, Masbate; Sally Flores ng San Pablo, Aroroy na nanggahasa din ng sariling anak; at Junti Becamon ng Polot, Cawayan na isa ring pusakal na mangangalabaw.

Dumanas din ng apat na depensibang labanan ang mga pulang mandirigma. Kahit naunahan ng militar, magiting na nakapanlaban ang mga pulang mandirigma at napinsalaan ng malaki ang mga pasistang tropa. Sa Bgy. Banuang Gurang, Donsol, Sorsogon tinangkang kubkubin ng militar at CAFGU ang isang tim ng BHB nitong Enero 29 ng hapon ngunit ang militar ang namatayan ng 2 sundalo at CAFGU at sugatan ang apat na iba pa nang mahusay na makapanlaban ang mga pulang mandirigma. Sa depensibang labanan sa Magallanes, Sorsogon noong Enero 11 ay dalawa ang kumpirmadong namatay sa 49th IB at tatlo ang sugatan na kinarga ng masa at isinakay sa bangka ng militar. Apat na pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay at namartir sa apat na depensibang labanan.

Pinabubulaanan ng mga aksyong militar ng BHB ang saywar ng 9th ID na mahina na ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon, at pinatutunayan ang lubos na pagkabigo ng Oplan Bantay Laya ng pasistang rehimeng US-Arroyo. Isang mariing sampal din ito sa liderato ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan ng 9th IDPA na nagyayabang kamakailan na kaya niyang tapusin ang problema ng insurhensya sa rehiyon sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s